SPOILED SI YAYA

I just recently hired a yaya for my 3 months old baby dahil may balak na ko bumalik sa pagwo-work ko. Okay naman siya in general dahil marunong talaga siya mag-alaga. Alam kong obligasyon namin mag-asawa na pakainin siya, kaya lang napansin ko, ang lakas niya masyado uminom ng Milo.? Yung pouch na malaki, one week lang sakanya. Para kaming nagpapagatas ng 2 babies tuloy.? Hindi niya din bet ang kape, kaya pagkagising isa, at 10am isa and during merienda -- another cup ulit. Minsan bago mag dinner isa pa ulit. Di ba sobrang dami? O ako lang to? Hindi naman din siya sobrang pagod dahil andito pa ko sa bahay, ako pa din nagaalaga sa baby ko most of the time kaya di naman siguro nade-drain ang energy niya gaano.? Kung kape yan, I wouldn't mind kasi di naman yun ganun kamahal. Hindi naman sa pagkukuripot pero we have a budget din kasi to follow at di din naman mura ang malaking pouch ng Milo, honestly. Ano kayang pwede kong gawin? Or sabihin?

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ung mga katulong ko (2 kc sila) ang lakas sa kape, sa isang araw nakakaubos sila ng 6 na sachet, ung cofee blanca pa tlaga, kaya bumili aq ng nescafe na pure at asukal, pinaintindi q sa kanila na un lang ang kaya ng budget q dahil sa dame kong gastos. Sabe q if anong meron jan un lang malilibre ko, if d nyo gusto kayo na bahala bumili gamit sarili nyong pera, ayun ung isa nagtyga sa pure na kape, ung isa naman sya ang bumibili ng sarili nyang kape.. Kausapin mo sis.. Makakaintindi yan.

Magbasa pa