SPOILED SI YAYA

I just recently hired a yaya for my 3 months old baby dahil may balak na ko bumalik sa pagwo-work ko. Okay naman siya in general dahil marunong talaga siya mag-alaga. Alam kong obligasyon namin mag-asawa na pakainin siya, kaya lang napansin ko, ang lakas niya masyado uminom ng Milo.? Yung pouch na malaki, one week lang sakanya. Para kaming nagpapagatas ng 2 babies tuloy.? Hindi niya din bet ang kape, kaya pagkagising isa, at 10am isa and during merienda -- another cup ulit. Minsan bago mag dinner isa pa ulit. Di ba sobrang dami? O ako lang to? Hindi naman din siya sobrang pagod dahil andito pa ko sa bahay, ako pa din nagaalaga sa baby ko most of the time kaya di naman siguro nade-drain ang energy niya gaano.? Kung kape yan, I wouldn't mind kasi di naman yun ganun kamahal. Hindi naman sa pagkukuripot pero we have a budget din kasi to follow at di din naman mura ang malaking pouch ng Milo, honestly. Ano kayang pwede kong gawin? Or sabihin?

98 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Well... Kung sakin yan nangyari.. Okay lang. Basta gawin niya ng maayos ang work niya. May mga kasambahay kasi na mas lalong sumisipag magtrabaho pag masaya sila.. Isipin mo na lang na tip niya na lang yung Milo for a job well done.. 🤣 Yan kasi gawain namin.. binubusog namin sila.. kaya mga yaya namin more than 4 decades na di pa umaalis samin. LoL.

Magbasa pa

Hah kaloka naman yan sis yaya nyo masyadong magastos naman sana kahit panu tipid at may malasakit sa amo.. dapat po pala saka kna kumuha ng yaya pag tlgng pabalik kna, haha para less muna sa expenses. Wag ka nlng bumili milo para wala sya maitimpla. Pag may sahod nlng sya, sya na bumili nya ng pangangailangan nya tulad nyan milo.

Magbasa pa
VIP Member

Switch to mas mura like ovaltine or birchtree na choco. Tapos sachet lang bilhin mo. Kung mag grocery ka yung good for a week halimbawa 7sachets kasi 1 per day. Pag naubusan sya at humingi pa sayo kakapalan na ng muka yun. Sumasahod naman sya at pinapakain mo. Try mo din kung manghihingi pa sya pag naubos yung binili mo. 😂

Magbasa pa

mag set ka ng rules and regulations mommy, then contract na agree siya dun. for the sake na hindi kayo lalabas ng lalabas ng pera. knowing na ganyan ang nangyayari, mahirao baka mamaya di lang milo gastos niyan hahaha. di ka naman nag hihigpit and just that hindi naman maganda ang laging sobra sobra biyaya.

Magbasa pa
VIP Member

Yan dn prob q before s nkasama q dto s bahay.. Hrap mgbdget as in tas sbe p ng anak q pinapapak p dw un Milo nkikita nia.. So mbilis tlga maubos.. Ang hrap mgslita bka mahurt khet nice way mo ssbhen, so prng aq un ngadjust ang hrap ng gnyan.. Peo naun wla ng stress xe wla n dto s bahay..

Buti nga yaya mo sis gumigising para asikasuhin breakfast nyo. Kamusta naman yung helper ko dito sa bahay, minsan ako nalang nahihiya kasi kahit gising na mag pophone lang haha kaya ako nalang nagwawalis at nagluluto ng kakainin nami sa umaga 😅😅 feeling ko nga ako yung helper eh.

ung nsa sachet lang bilhin mo sis kc mhrap kontrolin kapag ung pouch. kung di man abot un ng 1month sa kanya or kung di abot sa kelan kau ulit maggrocery, iparamdam mo na un lng budget para sa Milo nya para alm nya na hindi refillable ang gagawin sa tuwing ubos n ung Milo.

Pagsabihan mo po.. para din sa kanya yun, mamya tumaas sugar nia kakamilo. Saka sabihin nio din na nakabudget lahat ng pagkain na merun kau. Hnd porket merun eh sige2 na lang.. magtipid po kamo lalo nat my baby kayo.. maiintindihan nia naman siguro yun.

baka po first time nya makainom ng milo kaya natuwa sya sa kaya laging ubos hehehehe, siguro po limit nalang sa pagbili ng milo or kausapin sya about po dun, sa panahon ngayon mahirap ang buhay kaya need talaga mag budget explain nalang sa kanya

Siguro mag-sachet ka na lang tapos maglagay ka lang sa mesa ng ex. 2 milo maghapon tas itago mo ung iba, sometimes hindi nman need sabihan kasi bka maoffend tas sabihin mo iinom ka din or ung asawa mo para maghati kayong 3 sa 1 balot hahahaha