I need Advice( WHAT TO DO)

I really need advice right now, nakakapagod ng umiyak ng tahimik at ang bigat-bigat sa dibdib. At alam kong di ito pwde especially sakin na buntis.? Nagkalabuan na kami ng partner ko, palagi na kaming nag-aaway at di magkaintindihan. Kasi nga di pa alam ng papa ko na sobrang strict pero sinabihan ko na ang mother ko which nung una galit na galit sya pero now natatanggap naman na nya( i think?). Now, itong partner ko he's married but matagal na silang hiwalay mga ilang taon na at may ibang ka live in na ding yung asawa nya.. tanggap naman sya ng pamilya ko.. pero ito ngang nangyari nabuntis ako at gusto ng mama ko na as early as possible punta sya dto samin at sabay namin sasabihin sa papa ko ang kalagayan namin.. pero ganun nga kesyo busy sya.. i know busy talaga pero konting time lng naman hiningi ko..? di daw ako marunong umintindi.. now, ako pa ba mali? Mali bang iniisip ko kapakanan n baby.. kasi d pa ako nkapunta ng pre-natal kasi di pa settled. Di ko na alam ang gagawin.. ?

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Married na rin po ang partner ko pero inuna ko muna si baby bago ang lahat. After that unti unti ko na pong pinaalam sa mga kapatid ko na buntis ako then last si mama. Nagalit siya syempre lalo na't wala nun yung partner ko nung sinabi ko yun. Super busy rin kasi ng partner ko nun. Kahit alam ko na mabibigyan naman nya kami ng kunting time para makausap si mama, hinayaan ko lang sya kasi alam ko deep in side natatakot din siya sa sasabihin sa kanya ng mama ko. Nung nagkaron na siya ng lakas ng loob, naging maayos naman ang pag uusap nila kasi handa na sya sa mga isasagot nya. Kaya hayaan mo na muna yung partner mo, baka kinakabahan lang din sya.

Magbasa pa