NAKAKALERKI!

Mommies, let me share this. Lahat naman ginawa ko na kay Baby pag umiiyak sya. Pati Daddy nya ganon din sakanya. Pero hindi talaga sya tumitigil. Then pag kinuha na sya ng Lola ko saka alng sya titigil. As in every time na mag hihilo sya, hindi sya titigil hangga't hindi sya kinakarga ng Lola ko. :( Tapos sasabihin pa ng Lola ko, hindi daw kasi kami marunong ng asawa ko. Paanong di marunong? Eh kinarga nya lang naman. Wala naman syang ibang ginawa. Hindi ko na talaga alam paano gagawin. Next week uuwi na ulit kami samin. Paano na naman pag wala si Lola. ? I really don't have any idea, ano bang nangyayari sa anak ko. Btw, he's 2 weeks old.

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

May pinanuod kami ni hubby sa YT na ibat-ibang uri ng iyak ni baby at ibig sabihin, yung ginawa ni hubby dinikit nya sa pader para pag umiiyak si baby titingnan nya lang yung pader alam nya na ibig sabihin ni baby. Pag umiiyak si baby it either, gutom, need ng palitan ng diaper/discomfort, kabag or inaantok. Maging mahinahon din po at kausapin si baby para makilala boses nyo. Kaya nyo po yan mommy.

Magbasa pa
5y ago

https://youtu.be/PgkZf6jVdVg

VIP Member

agree with the other comment. 4 reasons why babies cry: gutom, puno diaper/may poop, kinakabag o kulang sa comfort. remember mommy na hindi pa siya sanay sa buhay sa labas ng tiyan mo. sa loob kasi ng tummy, warm and masikip. kaya babies prefer pag naka swaddle sila kasi feeling nila sa loob pa din sila ng tummy.

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan din baby ko nung pinanganak. Ayaw nya sakin pero pag hubby ko na yung maghehele tumitigil agad sya sa pag iyak. Pero nung tumagal baliktad na. Ayaw nya na bumitaw sakin. Sayo po ba sya nadede? Try nyo po padedehin pag umiiyak. Ganun ginagawa ko kaya ngayon 1 month na sya ayaw na nya bumitaw sakin.

Magbasa pa

Baka mali or di po komportable sa karga nyo ni hubby si baby. Yung baby po ng pinsan ko ganyan din nung una, yun pala mas gusto pala ni baby ng nakaharap yung karga. Yung parang spooning po. Minsan po grabe na ngawa ni baby kahit konti pa lang wiwi nya sa diapers. Hehe

naexperience ko yan before dumating pa nga sa point na sinasabihan ko si lo ng " baby ako mama mo ha" HAHA Pero sadya lang talaga na ganun sila. ngayon si baby pag binigay ko sa inlaws ko o ku g kanino man sinusundan ako ng tingin san man nagpunta hahahah

VIP Member

Balutin mo sya ung swaddle ba un hehe, ako kasi pag ganyan si baby binubulong ko sa knya na mommy nya ako dont worry mommy is here,tapos kiss sa nuo, nakakalma naman ang baby ko pag ginagawa ko un sa knya ngaun 1 and 1/2 month na sya

VIP Member

Iba iba po ang pag iyak ni baby aralin nyo po. Iba ung iyak ng gutom,iba ang iyak ng may poop, iba ang iyak ng puno n diaper at iba dn po iyak ng nid ng karga/hele. Dpat mo matugunan nyo ung nid ni baby pra ndi n sya umiyak pa

same tayo sa mother in law ko naman ung sakin. kakaloka

VIP Member

Baka d sya comportable sa karga nyo mg asawa