mommy to an angel

I am now a mommy to an angel. Oct 6 nung wala nako magawa kundi ilabas sya. At 4months, nagkaron na daw ng infection ang placenta ko. Kahit anong gawin kong ingat at pagaalaga sa kanya talaga sigurong di sya para saken. Wala ng mas sasakit pa kundi ang mawalan ng anak. The whole time na nasa tyan ko sya lage kong binubulong na 'kapit ka lang baby ha, si mama na bahala'pero nung moment na yun na sinabi ng doctor na open cervix nako at papalabas na sya wala nako nagawa. Sinabi ni doc na lalabas na sya ng kusa pero inabot ng 3hrs di pa din lumalabas. May heartbeat pa din sya until i totally give up. I told him ' sige na baby, ok na let go na tayo.' Then he suddenly passed out. Nakinig sya saken na kapit lang saken pero kelangan na namen bumitaw. Naramdaman ko pa na gumagalaw sya. Hanggang unti unti na syang hindi kumilos. Nagalit ako sa Dyos, baket kelangan humantong sa ganito. Ano ba naging kasalanan ko para maranasan ang sakit na to. I avoided social medias at dinelete ko din ang app na to dahil nung naka bed rest ako etong app lang na to ang libangan ko. Now is the 40h day nung nawala sya. As a catholic may paniniwala tayo na eto yung moment na tuluyan nang aalis sa mundo ang mga mahal nateng yumao na. Eto ako iyak na naman ng iyak, inaalala ang last moment na kasama ko pa sya. Hinahawakan ko pa din tyan ko, namimiss ko sya. Gusto ko sya mapanaginipan, ano kaya naging itsura nya, kamuka ko kaya sya, malambing kaya sya.. Sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Pero kelangan ko ng mag let go. I love you my little angel.. Please help mama to heal..

mommy to an angel
70 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mom, i still believed in a saying that " GOD KNOWS EVERYTHING, AND EVERYTHING HAS A REASON AND PURPOSE" MOMSH, KASI for me, for me lng my opinion is that, maybe God did what is best for you and for baby.. kasi what if naisilang nga si baby tas grbe naman ang karamdaman, or any complications.. that will cause much suffering to LO's fragile body? ? its much painful.kaya sguro si God na nag decide, para hindi na mahirapan ang bby.. Dont woory momsh.. God will help in washing away your pain.. just hold on and keep on praying.. as for me personally my father recently passed away,,, and in a very unexpected way. it was just after his 56th bday, 10 days afterwards he died, and he was on board.. seaman kasi sya.. so many questions in my mind.. but then again.. i kept on thinking na GOD has a better plan.. Maybe its the best way.. what God have done is best for my dad and for us.. I just let everyting to God's will.. I just literally LET GO and LET GOD. painful? yes it is.. very painful.. kakaiyak ko lng now.. thats why gising pa ako.. pero thats the reality of life that cannot be change..😥😥 kaya momsh hawak lang.. hawak ng mahigpit kay God.. si God na bahala saatin 😍😍 be strong momsh!!! 💪💪💪 Hoping for your emotional recovery momsh.. 😍😍😍

Magbasa pa