mommy to an angel

I am now a mommy to an angel. Oct 6 nung wala nako magawa kundi ilabas sya. At 4months, nagkaron na daw ng infection ang placenta ko. Kahit anong gawin kong ingat at pagaalaga sa kanya talaga sigurong di sya para saken. Wala ng mas sasakit pa kundi ang mawalan ng anak. The whole time na nasa tyan ko sya lage kong binubulong na 'kapit ka lang baby ha, si mama na bahala'pero nung moment na yun na sinabi ng doctor na open cervix nako at papalabas na sya wala nako nagawa. Sinabi ni doc na lalabas na sya ng kusa pero inabot ng 3hrs di pa din lumalabas. May heartbeat pa din sya until i totally give up. I told him ' sige na baby, ok na let go na tayo.' Then he suddenly passed out. Nakinig sya saken na kapit lang saken pero kelangan na namen bumitaw. Naramdaman ko pa na gumagalaw sya. Hanggang unti unti na syang hindi kumilos. Nagalit ako sa Dyos, baket kelangan humantong sa ganito. Ano ba naging kasalanan ko para maranasan ang sakit na to. I avoided social medias at dinelete ko din ang app na to dahil nung naka bed rest ako etong app lang na to ang libangan ko. Now is the 40h day nung nawala sya. As a catholic may paniniwala tayo na eto yung moment na tuluyan nang aalis sa mundo ang mga mahal nateng yumao na. Eto ako iyak na naman ng iyak, inaalala ang last moment na kasama ko pa sya. Hinahawakan ko pa din tyan ko, namimiss ko sya. Gusto ko sya mapanaginipan, ano kaya naging itsura nya, kamuka ko kaya sya, malambing kaya sya.. Sobrang lungkot ng nararamdaman ko. Pero kelangan ko ng mag let go. I love you my little angel.. Please help mama to heal..

mommy to an angel
70 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mom, i still believed in a saying that " GOD KNOWS EVERYTHING, AND EVERYTHING HAS A REASON AND PURPOSE" MOMSH, KASI for me, for me lng my opinion is that, maybe God did what is best for you and for baby.. kasi what if naisilang nga si baby tas grbe naman ang karamdaman, or any complications.. that will cause much suffering to LO's fragile body? ? its much painful.kaya sguro si God na nag decide, para hindi na mahirapan ang bby.. Dont woory momsh.. God will help in washing away your pain.. just hold on and keep on praying.. as for me personally my father recently passed away,,, and in a very unexpected way. it was just after his 56th bday, 10 days afterwards he died, and he was on board.. seaman kasi sya.. so many questions in my mind.. but then again.. i kept on thinking na GOD has a better plan.. Maybe its the best way.. what God have done is best for my dad and for us.. I just let everyting to God's will.. I just literally LET GO and LET GOD. painful? yes it is.. very painful.. kakaiyak ko lng now.. thats why gising pa ako.. pero thats the reality of life that cannot be change..😥😥 kaya momsh hawak lang.. hawak ng mahigpit kay God.. si God na bahala saatin 😍😍 be strong momsh!!! 💪💪💪 Hoping for your emotional recovery momsh.. 😍😍😍

Magbasa pa

Ganyang ganyan din naramdaman ko sis ng nawala ang baby ko 19weeks sya non at bby boy😢kamukang kamuka ng ddy nya❤️nag miscarriage ako nung august 5 2019 pero di kmi nawalan ng pag asa ng hubby ko❤️September hindi ako dinatnan pero october dinatnat ako nung October 4to12. Tapos naka isipan ko mag pt nung 11,12,at13 kahit may mens.ako kasi iba pakiramdam ko sinisikmura at naduduwal may malabong line pero diko pinansin,tapos pinalipas ko ang araw nag pt ako ulit netong November 5 kase iba ang pakiramdam ko lagi akong pagod at lagi akong inaantok at ayon na nga nag pt ako positive.kaya fight lang sis❤️wag ka mawalan ng pag asa😊lagi lang natin isipin na babalik sila satin❤️👼👶 Ps.di papo ako nag papa check kaya di ko alam kung ilang weeks napo tummy ko❤️🤰

Magbasa pa

My heart goes out to you mommy. Tumulo ang luha ko kasi parang naalala ko nun nawala sa akin ang first baby ko. 20 weeks sya, buo na, gwapo. Pero i was alone. Walang partner, wala parents ko nasa abroad. One year ko iniyak and i went to self-destruct mode. I wrote my baby letters and read sa kanya when i visit his grave. I almost drank myself to death. Pero God gave me hope. Matagal lang bago ko natanggap na totoo ang hope. Ang tagal dumating ng comfort, pero after almost a year, i woke up na lang without the pain. Picked myself up, and ngayon maayos na ako. Naiisip ko sya araw araw. Pero alam kong kinuha sya sa akin kasi may plan ang God. Ngayon nakikita ko na bakit sya sa akin kinuha. Hayaan mo ang God kumilos sa life nyo, mommy. Be comforted in His love.

Magbasa pa

Condolence mamshie, pakatatag lang po, halos same po tayo, last feb. 23 nag pre term labor ako 5months na tiyan ko nun hndi na naagapan kasi sa bahay pa lang pumutok na panubigan ko pagdating sa hospital 2cm pa lang ako ilang oras bago ko pa siya nailabas nun, nung lumabas siya wala na siyang heartbeat dahil ilang oras na kong walang panubigan. Everyday ako umiiyak nun kasi hndi ko matanggap dahil first baby namin siya daig ko pa ang nababaliw nun dahil bigla bigla na lang ako iiyak. Hanggang sa unti unti tinanggap kuna inisip ko kasi siguro hndi pa tlaga siya para samin, lagi na lang ako nagdadasal. Then after a months lng nabuntis ulit ako, ngayon 7months pregnant na ko pero sobrang selan ko mabuntis. Pray lang po mamshie..

Magbasa pa

I feel u mommy..ako noon 4mos p lng tyan ko alam ko n na may nuchal translucency ang baby n nasa tyan ko..baby girl xa..pinapili ako ng ob ko kung pagpptuloy ko pb or ipapaalis ko n xa hbang maliit p xa sa tyan ko.xmpre ayaw ko dahil naghohope p kmi n mawawala ung sakit n un..ang ending one day before her due date nagpaalam c baby girl ko..bgla n lng tumigas ang tyan ko taz pagcheck ng heartbeat nia wala na..iyak dn ako ng iyak..super love ko xa kc nga wala p kming girl...and now im preggy again dko pina utz were hoping na babae ang nsa tyan ko..kaya mp yan sis..ako noon iyak ako almost one month ako nadepressed pero may will c God bkit nangyayari s atin un..pakatatag ka mommy..kaya mo yan...

Magbasa pa
5y ago

Difficiency xa kulang sa folic acid..dpat sa umpisa p lng nainuman mo n ng vitamins ang baby esp ung folic acidkc un ang unang unang kelangan ni baby s pagbuo ng brain..kpg kulang it causes nuchal translucency yan ung mga baby na mau drown syndrome sis...

Haysss sobrang nakakaiyak naman po 😭😭 naalala ko tuloy dalawa kong baby 😭 ilang weeks pa lang sila nung kinuha sila sakin. Nagtatanong din ako bakit ganun kinuha agad sila ni hindi ko man lang sila nakita 😭 pinagkatiwala ko na lang kay God ang lahat kahit sobrang sakit 😭 halos araw araw naiiyak ako noon. Pero after 2 months nung nawala yung 2nd baby ko nalaman ko preggy ako at di ako makapaniwala kasi after ko maraspa nagka PCOS ako. Di ako makapaniwala na mabubuntis ako at ngayon 21 weeks na sya. Sa awa ng Diyos okay naman si Baby 😇 sana lang talaga magtuloy tuloy na dahil excited na kami makita sya 😇 Pakatatag ka po mommy 😊 pray lang po tayo 🙏

Magbasa pa

Hi! I understand and I feel your pain. Ganyan na ganyan din ako. Sobrang hirap makunan - physically, emotionally, mentally at spiritually. I remember na pinagdasal ko noon na makita kahit sa panaginip baby ko, makita ko man lang itsura nia. Ayun nanaginip nga ako - - nanganak daw ako ng baby boy tapos nung chineck blood nia nag iba ang kulay ng water kea kinuha daw cya sa akin. Umuwi daw akong walang baby - - naisip ko baka way un para makita ko c baby. Unti-unti ko tinanggap after 4 months nag buntis na ako ulit at ngaun 9 months na baby ko. Super happy pero naalala ko pa din panganay ko. Pray ka lang kay God! Ipagdadasal, din kita.

Magbasa pa
5y ago

Goodluck on your rainbow baby mommy. Ill pray for your healthy pregnancy po.

ramdam kita sis... I had miscarriage early this year. di ko kz alam na buntis na ako and may mga health condition pa ako kaya the moment we learned na buntis na ako nagpacheck up kami but nahuli na no heartbeat na baby ko. sobrang sakit, and the only outlet I had was to write a poem about my baby. at least naexpress ko yung feelings ko. I framed that poem together with the ultrasound and hang it on our wall. everytime nakikita ko yun it still reminds me of the pain but at least I know he is our guardian angel especially to the baby na andito sa tummy ko ngayon. be strong sis...

Magbasa pa

Be strong mamsh.. Wla tlgang mas sasakit sa mwalan ng anak.. Ive gone through it 2 yrs ago when my first born dided at 1 yr and 9 mos.. ngalit din ako, nwalan ako ng interest sa laht.. days will be rough and tough pero mamsh my ibibigay ulit sayo.. I believe meron.. Pray and keep talking as if andyan lg sya mamsh it will help kahit sabihin pa ng iba na nloloka na.. wag ka makinig sa kanila.. soon another rainbow will appear. Keep your faith up and be strong mamsh.. yor angel will not be hapoy seeing you unhappy.. ❤❤❤

Magbasa pa
VIP Member

i feel you. pinanganak ko sya 36 wks and 3 days (Sept. 20,2019) nawala din baby ko dahil may abnormality sya na di na kayang gamutin 🙁 sobrang sakit sa puso at sobrang hirap. araw araw mo maiisip at itatanong na "bakit" siguro may plano ang Dyos. hindi para saten si baby. hanggang ngayon pag naiisip ko, naiiyak na lang ako bigla. God have a better plan pa. binabantayan na tayo ng mga angel natin. 😊

Magbasa pa
5y ago

same here. 3 months nah din since kinuha yung baby ko ni GOD. mgpakatatag lng po tayo mga moms..