SPOILED kid

I need some advice fellow moms and dads.. Currently 34weeks pregnant and 2 years old daugther. Sabi ng marami nagiging iyakin ang bata pag nasusundan. Pero sa anak ko hindi ko sya nakitaan ng ganung ugali until recently lang. Sinasanay na kasi namin siya na hindi kami lagi kasama dahil CS ako and matagal bago makauwi after giving birth. Her lolo (byenan, living with them) is my biggest concern here. Napansin ko kasi na everytime iniiwan ko si baby sa lolo niya even an hour or two pag balik sa akin is sobra na sa tigas ang ulo. Before tingin ko palang takot na si baby sa akin, today pag binabawalan ko dedma na. Bawal kasi sa akin sa lolo niya is go lang. Kaya ang ending ako mukang masama. Sa halos araw araw na magkasama sila ng lolo niya feeling ko ayaw ng makinig sa akin ng anak ko. Iirapan ako, tatalikuran, paghinawakan biglang iiyak ng malakas. So i made a decision na magexperiment if tama ba observation ko. Today is my first day. I and namention ko to kay hubby. Instead of understanding, he took it negatively. Did i make a bad move?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din kami non. Nung baby pa 1st child ko palagi nagoovernight. Pag ibalik na sakin at di makuha gusto nagtatantrums na. Sabi ko sa asawa ko naispoil yan kaya ganyan. Edi siya nagsabi sa nanay niya. At negative kinalabasan. Pati sakin nagalit di ako pinansin pero now okay naman kami. Ang ginawa lang ng asawa ko non di niya pinapahiram sa side niya. May excuse ganern. Ngayon bihira nalang din nila kunin kasi may pasok. Pero awa ng Diyos naitama ko yung baluktot na ugali ng anak ko. Ngayon marunong umintindi. Pag sinabi kong hindi, hindi. Kinakastigo ko pag di talaga madaan sa pakiusapan or may mabigat siyang kasalanan.

Magbasa pa