toxic sa side ni LIP

I need an advice, Ang toxic sa side ni lip laging may sinasabi against sakin. Di kami nasa iisang bahay pero magkakalapit Ang mga bahay namin. Nakabukod kami pero lagi na Lang may sinisilip sa side ko. Ako ung sinasabihan ng bastos at walang modo the fact na pinakitaan at pinakisamahan ko Naman sila ng maayos. Ngayon, ayaw ko na. Ayaw ko na sa lahat kahit Kay LIP, he was never on my side. Ako pa ung sinasabihan nya na matapang at palasagot daw. Gusto ko na umalis, gusto ko na syang iwan. Di dahil sa kanya kundi sa mga kamag anak nya. twing nakikita ko sya naiinis na ko naalala ko ung mga pinagsasabi nila sakin.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo LIP mo and convince him na lumipat kayo malayo sa kamag anak niya for your own peace of mind and privacy. Now if ayaw niya, then, ikaw na lang umalis. Minsan kahit nag aadjust ka na, kung ayaw talaga sayo, ayaw talaga sayo ng tao. Buti nga habang maaga alam mo na if ever magpakasal kayo, di magiging maganda dahil sa in-laws. Maswerte ka pa rin.

Magbasa pa