2 Replies

Sis, wag mo na patulan. Hayaan mo na lang siya, ikaw naman ang kinaiingitan, okay lang yan. Wag ka na lumevel sa ugali niya. Magfocus ka kay baby, habang lumalaki siya, nararamdaman niya na ang nararamdaman mo, naririnig niya ang boses mo, naipapasa mo sa kanya ang negative vibes. Magfocus ka sa pamilya niyo, maawa ka sa asawa mo at maiipit lang siya sa inyo ng pamilya niya. Kung makakaiwas ka sa kanya, good, pero kung kinakailangang magkita kayo halimbawang may okasyon o kung ano man, maging civil ka lang, smile. Wag mong hayaang maapektuhan ka sa mga ginagawa at sinasabi niya, sinasadya man niya o hindi, siya na ang magdadala non. Isipin mo na lang din ang bata na nasa sinapupunan niya, pamangkin mo yun. Ako, tuwing may nega akong kakilala na makakadaumpalad ko, dedma lang ako, nagdadasal na lang ako, sinasabi ko sa sarili ko at kay Lord, "tatahimik ako, titiisin ko lang, maging maayos lang ang anak ko, wag lang magkakasakit at laging masayahin", yun lang. Wala akong ibang hiling para sa anak ko kundi maging "healthy and happy" siya. Yun din ang wish ko para sa anak mo, at sa anak ng SIL mo (kahit inggitera siya 😅). Pilitin mong iwaksi sa puso mo ang "hate" lalo ngayon, kasi makakasama sa inyo ni baby. Enjoy mo ang journey niyo ni baby ❤️

I bare that on my mind momshie salamat sa payo mo, may point ka naman talaga, nways dpa kami nagkikita nang hipag ko mula nung pinost ko yan. Hehe

TapFluencer

art of dedma. kung wala kang pakialam sa kanya, magsasawa din yan. ignore, ignore and ignore. Siya naman magmumukhang tanga kung magpapapansin siya eh.

Ginagawa ko na talaga yan momshie kaso sutil talaga, dko naman siya pinapatulan talaga at wala pa naman nangyare samin na war its just that nkakawalang gana lang talaga yung klase ng mentalidad nya syempre kelangan ko talaga siyang pkisamahan kasi part ng family siya ng asawa ko, ang gagawin ko nalang I-great wall of china ko nalang siya pra magsawa din siguro lam mo yun kahit dna nga ako umiimik nag jojoin force na silang mag ina sa pang bbwisit sakin, haaay. Buti nalang dkami mgkakabahay. At dko sila regular na nakikita.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles