16 Replies

ganyan din mga symptoms ko mhie nung akala ko buntis ako 3months din delay ko noon .nag prenatal pa ako nun sa center tas pina tvs ako para malaman sana kong kilan huling mens ko ..yun nga nagpa tvs na ako .sobrang na disappointed ako kasi nag expect nako na baby yun yun pala mga cyst na maliliit (pcos dw) both ovaries pa ..sobrang sakit kasi kasama ko pa c hubby nun para nga din makita nya . sobrang alaga nya pa naman noon sa akin .yun nga laking hinayang ko talaga mhie .dinibdib ko ng sobra tas yun nga pinacheck up nalang din naman para malaman kong paano sya mawala tas ni resitahan nalang ako ng ob gyne ko nun nang pamparegla tas pills na Daphne..1 buwan lang ako naka inom nun ng pills at hininto ko na para make sure na mag tuloy tuloy na yung menstruation ko at yun nga nag tuloy2 na ng 3 months ..ngayon 18 weeks pregnant nako talagang nag control ako sa kanin noon para d masyadong lumala yung mga nararamdaman ko na mga senyalis na akalain mo talaga na buntis ka .. pacheck up kana mhie tlagang mahirap e singit yung para sa check up natin sa hirap ng buhay pero kailangan natin talaga mag pacheck up habang Maaga pa ..good luck mhie

oo mie .God bless

Ako din po feeling ko noon kasi every 3mos lang ako nagkakaroon. nagstock ako ng maraming pt pero negative lahat. kala ko di nako magkakaanak , 3 y/o na panganay ko. di ako nagpacheck up siguro takot na din. Then nagpills ako , ayun nagmens ako regularly . 2mos yata. then tinigil ko , para malaman if nagregular na mens ko without taking pills. ayun ngayon 19wks preggy na for 2nd baby. 😅 so thankful kasi plan na din namin ni hubby masundan 🙏❤️

congrats din sis 🥰 hindi ko naconfirmed pos ako for PCOS. kasi takot ako magpaconsult baka mastress lang ako🤣 pero still we're blessed with our 2nd baby❤️

it's usual daw yan momsh lalo na yung pakiramdam mo na want na want mo na magka baby.. nangyari na yan sa akin.. umasa ako and na broken many times dahil sa feeling na ganyan.. napagod din ako mag isip kaya tinanggap ko na yung sitwasyon. pero nag continues ako sa pag paalaga nag palit ako ng ob and luckily after 8yrs na nag try, nag paalaga, na broken eto na nabigyan na ng right time ni papa God.. ☺️❤️❤️

congrats po mommy🥰 gagawan ko po ng paraan para makapag pacheck up na po. 8years na po kami nagsasama ng LIP ko e.

may mga tao po na negative sa PT Pero pregnant Pero Kadalasan po may ectopic Pregnancy or wala sa matres yung bata ,Yun ang dahilan kaya may mga symptoms ka ng Pag ka Preggy Pero negative sa PT...magandang malaman po agad sa Trans V para maagapan kasi malaki chance na mag ka problem ka sa Uterus mo if hindi naalis incase na ganun nga ang nangyari...kaya ang sagot po talaga sa Pag o overthink mo Trans V

may pcos din ako halos umaabot 5 months ako wala, may ganyang same symptoms pero nagoovulate lang. pcos una kong baby.. ngayon 3 months preggy pcos baby ulit. kung gusto mo makasigurado mag patransv ka. kung hindi pa rin preggy, try mo uminom ng folic acid. nakahelp din saakin yun. try mo din magdownload ng app para ma check mo din kung kailan ka nagoovulate at pwedeng makabuo.

yes po pa check up kana ganyan din naramdaman ko almost 3 months ako di dinatnan ang sabi ng OB ko nung nag pa checkup ako may PCOS daw ako pero may mga symptoms ako ng pregnancy at nakailang PT na ako lahat yun negative wala ni isang positive until nag pa transV ultrasound ako ayun nalaman ko 9weeks pregnant na pala ako better mag pa check up ka padin sa OB GYNE po para mas sure.

May pcos din po ako... Need talaga tvs ganyan din sakin nung di pa ko nagpapacheck up sa OB... Ilang months delayed may symptoms pero sa PT negative... Want namin magkababy ayun inayos muna yung cycle ng regla ko then diet after nun binigyan n ako ng schedule... At sa wakas 6weeks preggy na ko☺️

Mas okay po na magpa' ultrasound or trans V ka po kung yung po sabi ng ob sayo. Dun mo po kasi malalaman yunh resulta. mahihirapan ka lang po kakaisip kung ano po talaga yan.may mga mura naman po transv at ultra.

ang mahal po ng ultrasound dito samin, 2300 po, yung TVS naman po, 1800, wala pa po yung bayad dun sa magbabasa ng result😢

Try mo lumapit sa mga government hospital Mi. taz SWA ba yun..lapit ka. bibigyan ka nila ng request for indigency sa barangay na sakop ka. then possible na libre na laboratories mo at ultrasound

sige po. thank you po🥰

kahit sa brgy. health center muna pa check up then meron mga nag bibigay ng assistance from brgy. if may need na test and hindi kaya ang gastusin. priority mo muna na ma assess ng doctor.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles