16 Replies

same case tayo,momshie. 27 weeks na ko and may gestational hypertension. kada nasa office ako, nataas bp ko due to puyat and stress sa work. I'm also on a gy shift. I was rushed to ER two weeks ago kase nagshoot up BP ko. My OB and our clinic doctor advised me to rest na until give birth though ako ang natanggi kase sabe ko kaya ko pa pero ayw nilang i-risk ang health and condition namen ng baby ko kaya sumunod nalang ako. Priortize your health and your baby kase kayo din mahihirapan sa huli, talk to your OB again. Saken kase talagang hindi na ko binigyan ng fit to work. October din due ko. ifile mo nalang sa SSS Sickness notification yung leave mo if ubos na yung SL and VL mo. Papirma ka ng sickness notif kay OB mo with Med cert and some labtests tas submit u sa HR nyo para kahit papano bayad pa din aside sa Mat leave. take care and rest na if hindi na talaga kaya.

VIP Member

sis ako nka sl hanggang manganak, twice ko nagspotting, 1st bedrest ako 2 weeks tpos nung bumalik ako s ob ko sabi ko ok n ko, so pinayagan nia ko mag work ulit, then after 5 days nagkaron ulit ako spotting though patak lang pero sabi nia wag n daw ako pumasok hanggang manganak kc bka daw s stress n dn un s work, ngaun nagfile ako ng sickness claim s sss, naubos n kc sl ko eh, balik k s ob mo sis kc mahirap pilitin katawan n mag work tpos hindi mo tlga kya, kawawa dn c baby,

Ganyan din ako these past few days. Pero samin meron kaming serious sick leave na 10days every year and nadagdagan siya every year kaya naipon na yung akin at 40+ na ngayon since 5yrs na ko sa work, and yun ang nagagamit ko everytime na di talaga maganda pakiramdam ko. Parang every month yata meron akong nagagamit na 1 week serious sick leave dahil ang hirap na talaga kapag preggy. Tiis lang mommy. Kaya natin 'to. Konting tiis nalang yan 🙂

VIP Member

Ideally, priority dapat ang health nyo, mommy and baby. But the doctor has a point din na di agad pwedeng gamitin ang maternity leave this early kasi once naconsume mo yun, you have to report back to work. Eh crucial din ang makapagpahinga ka nang mabuti after giving birth. So one option would be leave w/o pay (if that is allowed in your company) kung may other sources of income naman. Ayun. So weigh the situation and decide. Good luck, momsh!

Naka-medical leave na po ako.. Filed it with SSS.. Hoping na maapprove sya pandag2 sa panggastos..

TapFluencer

Sis,seek another doctor kase di nmn pwede ung sinasabi nia na magagamit mo na ml mo u can also use ur sl without pay if ubos na sl mo.Ako mula ng malamn ko na preggy ako since high risk ako mgbuntis nagfile na ko ng leave ko khit wala na kong sinusweldo ang importante sakin mabuo baby ko.Lalo graveyard shift mahirap yan sa preggy,nasa batas yan na pg buntis hindi nila pwedeng pigilang mag-leave ang 1 empleyado lalo pag di nia kaya mgwork.

Sa amin kasi nun sis.. pwede magfile ng leave pero no pay hanggat di pa kabuwanan, pero nagresign ako kasi ayaw na talaga ko magwork ng hubby ko. Para sa akin mahalagang unahin mo kalusugan nyo ni baby, baka pwede ka magfile ng leave kung ok lang sayo na no pay. para makapagpahinga ka lang muna. Try mo din baka pwede ka magfile sickness notif sa SSS para kahit panu bayad

Ganyan din ako, gy din ako. Im on my 34weeks pero everytime na gusto ko muna mag rest. Nanghigingi lang ako sa OB ko ng med cert na advise to rest, binibigyan nman ako, pero sa company nka LOA un. No pay. Di ko pa sinisimulan un ML ko maaga pa kasi, gusto ko kasi maximize un number of days ng ml ko pagkapanganak ko.

Doctors cant provide a recommendations for your early mat leave as long as na wala ka naman po complications.. actually sa company mo po ikaw dpat magpaalam if papayagan ka.. its up to you naman po kung aagahan mo magleave kaso nga lang once na manganak ka, mas konti na yung days na mag sstay ka kay baby

Oct due date ko din. Pero naka LOA na ako. Sabi ko sa OB ko na ayoko na pumasok kasi nahihirapan na ako magbyahe. Then binigyan nya ko ng medcert na Loa na ko. Walang nakalagay na reason pa nga. Then boom 2weeks na kong Loa and magstart ang ML ko pag labas ni baby. Pwede tayo magFile ng Loa Momshie.

Mas okay na magtanong ka mismo sa sss. Yun kasi yung sabi sakin nung nagask ako sa kanila mismo.

Sis pwede ka namang mag LOA for 2 weeks para maka rest ka pwede kang mag rest ng 2 weeks every month. Para narin sayo at sa baby mo. Papayag si OB mo nyan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles