Diarrhea serye
I have a 2-year old son po na lagi nag da-diarrhea wayback 6mos pa lang siya. Nakatira po kasi kami sa ibang bansa and dun ko siya pinanganak. Sabi nila baka dahil di sanay sikmura sa Pinas. Since pabalik balik po kami ng Pilipinas to Japan, Japan to Pilipinas...struggle ko na lagi nalang liquid yung poops niya pag umuuwi kami dito pero sa Japan hindi naman. Everytime na may konting kainin lang siya mapala-restaurants man o bahay nagdiarrhea siya agad. (Maniwala kayo sakin Wilkins ang tubig ni Baby and umabot na ko sa point na nagbabaon na kami ng pagkain pag nalabas kami sobrang grabe ingat ko kay baby wag lang makakain ng makkapagtrigger ng tyan niya). Nung nag 7mos si baby na-diagnose din siya ng Amoebiasis which is sabi ng Pedia niya malaking factor yung nakakainom siya ng tubig na pinanliligo namin galing gripo. Sa sobrang lungkot namin suki na kami sa mga Medicine pang diarrhea and labas pasok na din kmi ng hospital dahil nadi-dehydrate na si baby kaka-poop. Trust me, E-zinc at Erceflora yung naging supplement namin...matigil lang yung sakit niyang yun. Nakakaubos din kmi ng mga pang anti-rash na gamot para sa mga singit-singit niya na grabe na ang pagkapula dahil sa pag dumi. And ayun na nga, sa gatas palit palit din kami dahil baka factor din yun kaya masama tyan lagi ng anak ko. Until one time, yung mama ko nirecommend niya akona palitan yung Milk ni baby yung Promil Organic to Promil Gold to NAN optipro napunta din sa NAN na png sensitive(di naman po kami everyweek nagpapalit...mga every 3mos po nagtatry kmi ng hiyang sya)... And lahat yun hindi nakatulong. Sa isip ko dati pag mahal yung gatas baka mas makatulong kay baby. Until one day, nirecommend sa'kin yung gatas na Nido 1-3... grabe first time ko nakitang parang mga clay na bilog poops ni baby ko. Which is a sign na matigas poops niya and buo na. Grabe saya namin. Mura na yung milk niya, tapos bihira na din siya nagpoop. Feeling ko dahil na rin may Probiotics yung Nido. Ako lang ba yung tao na nagiging masaya na buo-buo poops ng anak? 1 year and 1/2 din kami nag suffer and nag sunog ng pera dahil sa diarrhea niya. Ngayon, may E-zinc pa din kami na pinapavitamins na samin ng Pedia niya and bumabawi na para tumaba naman si Baby. Yun nga lang ang side effect ni baby sa Nido, grabe hyper! Hehehe Ayun the end. Salamat kay Nido 1-3. Note: di po to sposor! Sana makatulong sa ibang nanay na may kagaya kong sitwasyon. ❤️
Mommy blog and Promoting parents as a first teacher!