So I had my first Transvaginal Ultrasound there. I came at around 10am, sabi nila 2pm pa daw darating yung doktor so I had to go back at 2pm. My boyfriend is with me, and since its my first time and our first baby sobrang excited kaming pumasok ng boyfriend ko sa room nung tinawag na ako. Pero ipeprep up daw muna ako kaya pinalabas muna si boyfie. TAPOS AYUN NA. Nagsimula nang magchismisan at magtawanan yung ob at yung mga staff while I'm inside. Napaka insensitive kasi parang pinaparinig pa talaga nila sa akin yung tawanan at pag uusap nila. Kesho "SA UMPISA LANG YAN SUPPORTIVE PERO PAG NAKAILAN NA YAN, HAHAYAAN KA NALANG NYAN MAG ISA" Wow. Just wow. Napaka encouraging. Ang malala pa, parang binasta lang yung ultrasound ko. Ni hindi ako kinausap tungkol sa kalagayan ng baby ko kasi busy yata sila pag usapan ang buhay ng ibang tao. Napaka professional! Good job. And I swore to myself hindi na ako babalik don ulit. Thats all, thank you. ?
Anonymous