Ano ang tip mo para sa new mommies?

Icomment ang tips para sa mga mommies na malapit nang manganak! One lucky winner ang mapipili para manalo ng freebies from Lily of the Valley! Huwag kalimutan ang hashtag #iGotYouMommy sa comments.

Ano ang tip mo para sa new mommies?
26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para sa mga first time mom, magdasal ka po palagi na sana maging healthy at safe si baby sa sinapupunan mo. Walang komplikasyon at hindi breech si baby. Lakasan mo palagi ang loob mo. Isipin mo na worth it lahat ng sakit at hirap mula sa pagbubuntis hanggang manganak at makikita mo na rin ang iyong munting anghel. Makinig ka sa iyong katawan dahil hindi lahat ng babae parepareho ng pinagdadaanan. Matulog ka, magpahinga ka, wag kang magpuyat, mag exercise ka,kumain ka ng mga healthy foods, wag mong gutumin ang sarili mo, at wag mong kalimutan ang vitamins mo para mas lalo kang lumakas at maging healthy. Magdasal ka palagi at kausapin mo si baby na sana d ka niya pahirapan kapag gusto na niyang lumabas. Share your thoughts, wag kang magpapakastress sa mga bagay2, wag mong solohin lahat. Tandaan mo mommy, magdasal ka palagi. #iGotYouMommy

Magbasa pa