Ano ang tip mo para sa new mommies?

Icomment ang tips para sa mga mommies na malapit nang manganak! One lucky winner ang mapipili para manalo ng freebies from Lily of the Valley! Huwag kalimutan ang hashtag #iGotYouMommy sa comments.

Ano ang tip mo para sa new mommies?
26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi! unang una, good luck sa mga mommies na mangangananak na. Kayang kaya mo yan! Here are the tips that you can do para mapadala ang panganganak mo: (Disclaimer) Di po ako health expert, pero ito po ay based sa aking experience. Last year December po ako nanganak, at ito po ang mga ginawa ko, normal delivery po ako ☺️ 1. Mag kegel exercise (pwede niyo i-search dito sa The AsianParent app maraming kegel exercises) make sure na kabuwanan niyo na bago niyo ito gawin at di po kayo maselan mag-buntis. Everyday po ito mommies, preferrable morning. kung kaya. 2. Gumamit ng "Kick counter." Bakit? para monitor mo palagi si baby. Dapat that time palagi mo syang nararamdaman na sumisipa. 3. Have your "Contraction Timer" Mahalaga ito para malaman mo kung false labor lang ba o manganganak ka na talaga. Meron din po nito sa app. 4. Kung aiming for normal delivery ka, ito din ang sinabi ng OBgyne ko noon, LESS sugar and carbs po. Kasi para hindi ka po mahirapan ilabas si baby, mommy. ☺️ 5. Last at isa din sa pinakamalaga kung malapit ka na manganak, mag prepare ka na po ng gamit mo at gamit ni baby, para anytime na manganak ka na po, ready na po ang inyong maternity bag at hindi na po kayo mahihirapan sa mga gagamitin sa hospital. Yun lang and have a safe delivery! #iGotYouMommy

Magbasa pa