first time mom and depressed
Hello, i am a first time mom and all i can say is sobra pa akong naninibago. Minsan natutulala nalang ako sa pagod at hirap, pati sa puyat. Naiiyak nalang ako bigla at ang bigat ng dibdib ko. Yung asawa ko ang layo nya sa amin ng baby ko dahil dun ang inuupahan namin at dun malapit ang trabaho nya at dito kami nakatira ng baby ko sa bahay namin ng nanay ko. Siya nagbayad ng hospital bills namin ni baby pero ngayon di nya directly sinabi sa amin ng asawa ko pero nagrereklamo siya na madami daw siyang gastos. Nagkataong gipit kami sobra ng asawa ko habang nagbubuntis ako at nagsikap naman siya na makaipon pero kulang talaga ang pera namin. Nung una kasi plano namin sa public ako manganak kaso maselan kaya nag private kami kaya wala kaming magawa kundi humingi ng tulong sa nanay ko. Tapos ngayon binibilangan nya pala kami ng di namin alam. Nalungkot ako, akala ko siya makakaintindi sa amin, lalo na sa apo nya. Gusto ko na magtrabaho pagka isang bwan ng anak ko para pambayad sa nanay ko. Akala ko naman maiintindihan nya kami dahil siya mismo nung kabataan nya alam nya pakiramdam na gipit at walang masandalan. Nalulungkot ako at gusto ko magkakasama na kami ng asawa at anak ko. Nag iba ang pakiramdam ko simula ng malaman ko na ganun pala ang nararamdaman ng nanay ko. Sana may makausap ako tungkol sa nararamdaman ko. Nagsimula na ganun siya nung hiniram namin ng asawa ko si baby para mauwi namin saglit sa inuupahan namin, sumama ang loob nya kahit nagpaalam kami. Gusto lang naman namin na makasama ang isat isa at si baby, babalik naman kami at di kami nakakalimot sa lahat ng tulong na binigay nya. Masama ba akong ina para hangarin na magkasama ang mag ama ko na kami kami lang? Hindi kasi makadalaw ang asawa ko dito bukod sa gastos at layo at dahil di siya komportable dahil minsan may mga nasasabi ang nanay ko na masasakit na salita. Nakakalungkot talaga.