Feels Of Being A Single Mom

I don't know kung paano ko isi-share 'yung nararamdaman ko now. Am 3 months preggy and yes, I'm single mom. Complicated ang situation namin ng father ng baby ko kaya hindi kami magkasama at tanging tawag lang sa phone araw-araw ang komunikasyon namin. I feel okay and contented na rin sa ganu'ng set up kaso maraming time na hinahanap ko rin 'yung physical appearance niya lalo na kapag may mga lakad na patungkol kay baby, like check up.. Nalulungkot ako to the point na naaawa ako sa baby dahil pakiramdam ko ako na lang 'yung meron siya kaya 'di pwedeng maging mahina ako kase kahit sarili kong family di buo na tanggap 'yung baby ko, nu'ng una nag-advice pa sila na ipalaglag ko 'yung baby kaso umiyak ako ng umiyak at sinabi kong ayaw ko kaya po ngayon kahit may nararamdaman ako o may mga bagay akong gusto na related sa pagbubuntis ko, di ko maopen ng madali sa kanila dahil kapag ginagawa ko po yun lagi nila pinapaalala sakin yung pagkakamaling ginawa ko kaya ako nabuntis at yun rin po ang dahilan kaya mas pinili ko na kapag magpapa-check up ako ay hindi na magpasama dahil hindi rin po sila nagpapakita ng interest para samahan ako at since kaya ko naman po magpunta sa clinic ako na lang ang lumalakad mag-isa. Kaso po napapadalas lately yung pag o-overthink ko lalo na kapag malapit na ako manganak, hindi ako sure kung sino ang mga makakasama ko sa araw na yun pero kung sakali sana kayanin ko naman pong mag-isa. Madalas akong panghinaan ng loob everytime na nararamdaman ko na di tanggap ng buo ng family ko yung magiging anak ko. Sorry po kung dito ako nag-open. But thank you for reading.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

dadating din yung oras na matatanggap nila si baby,sa ngayon wag ka munang mag isip ng kung ano ano,single mom din ako 35weeks and lahat kakayanin ko para kay baby,wag ka mag overthink makaka sama yan kay baby,ako nga lagi pa niloloko ni ob ko wala pa din daw ba ako kasama mag pa check up e tinatawanan ko nalang,oo masakit pero wala na din naman ako magagawa kaya focus nalang kay baby,may reason naman kung bakit binibigay satin ni God to,hindi naman niya tayo ilalagay sa ganitong situation kung alam niya na hindi natin kaya i handle,pray lang sis,magiging ok din kayo ni baby ☺☺

Magbasa pa
VIP Member

Hindi ka po nagiisa🙂 ndi qna ishare story q pero meron nmn taung similarities ganun lang din kami more on call update naman sa lahat physical lang wala ..wag mo masyado isipin mga nkaka stress ganyan din aq minsan kc ..enjoy mo nalang muna c baby..at qng ngaalala ka cno maksama mo sa panganganak andyan nmn pamilya mo🙂 imposible pabayaan ka nila..mawawala din yang pagaalala mo kapag nkapanganak kna at nakita muna c baby..Pray lang po at tiwala kay God kc sya andyan lang 🙏🏻😊

Magbasa pa

Momsh be strong and healthy. I think independent woman ka naman kasi till now going strong ka pa din kahit gnyan status mo with your ex and family. Almost same situation po tayo complicated but supportive naman po family ko. Ganyan din po ako malala p kasi laging mainit ulo ko pati pamilya ko nakakaaway ko. Sana hndi maapektuhan si baby🙁. Basta po stay strong lang tayo and pray ky God.

Magbasa pa

Be strong for you and your baby, sis! ☺️ I salute all single mom out there lalo na sa may situation na katulad mo. Sana one day matanggap ng family mo ang baby mo. Everything will fall in to place, sis. Just have faith & always pray for your safety and the baby's and also for healing, strength & peace of mind. You can do it, sis!! May God bless you and be with you!!!

Magbasa pa

Be a strong mom for your baby mamsh. Ikaw ang kailangan ng anak mo magpakatatag ngayon. Para sa inyong dalawa. Kung wala maasahan na iba,then be strong for yourself. Kakayanin mo ito. Magpakatatag ka lang. Kay baby mo lang ikaw kumapit at sa faith mo kay God. God gave you an angel. Siya ang makakasama mo mamsh. Hindi ka nagiisa. Kayo ang maging sandalan ng bawat isa.

Magbasa pa
VIP Member

Nakakasad naman na kahit pamilya mo hindi ka nila maintindihan, kailangan mo ng makakasama lalo na pag manganganak ka na, kahit friend mo. And I am hoping na matanggap na din ng family mo ang situation mo, sana din wag iparamdam ng tatay ng anak mo na wala kang karamay lalo sa mga gantong panahon.

Pakatatag ka sis kahit ano pang mamgyari.. alam ko gagabayan kayo ni lord.. yaan mo ung mga taong nagpapastress sayo kung di man nila tanggap c baby mas mahalin mo ung anak mo higit pa sa pagmamahal na mabibigay nila o punan mo ung mga kulang.. magiging maqyos dn ang lahat magpray kalang po..

hyaan mo sis paglabas ni baby kung di pa din nila tanggap yaan mo na..mgfocus ka nlng sa baby mo bsta wag mo.nlng pakitaan ang fmily ng negative pra di sila lalong ngglit unti unti din.yan maiibsan ang galit nila mttnggap din nila apo nila..kya pray lang sissy

VIP Member

Be strong for your baby 😊 same situation here, pero supportive naman family ko. Andyan lang ang Lord lagi mo syang kasama. Yes you may feel alone at times pero if you call out to Him surely mararamdaman mo sya. I pray for you and your baby.

Magpakatatag ka lang po para sa magiging anak mo. Wag ka muna mag isip ng kung ano ano para hindi ka ma stress. Matatanggap din po yan ng family mo once siguro na lumabas na si baby. Apo nila yan for sure di nila yan matitiis.