Feels Of Being A Single Mom

I don't know kung paano ko isi-share 'yung nararamdaman ko now. Am 3 months preggy and yes, I'm single mom. Complicated ang situation namin ng father ng baby ko kaya hindi kami magkasama at tanging tawag lang sa phone araw-araw ang komunikasyon namin. I feel okay and contented na rin sa ganu'ng set up kaso maraming time na hinahanap ko rin 'yung physical appearance niya lalo na kapag may mga lakad na patungkol kay baby, like check up.. Nalulungkot ako to the point na naaawa ako sa baby dahil pakiramdam ko ako na lang 'yung meron siya kaya 'di pwedeng maging mahina ako kase kahit sarili kong family di buo na tanggap 'yung baby ko, nu'ng una nag-advice pa sila na ipalaglag ko 'yung baby kaso umiyak ako ng umiyak at sinabi kong ayaw ko kaya po ngayon kahit may nararamdaman ako o may mga bagay akong gusto na related sa pagbubuntis ko, di ko maopen ng madali sa kanila dahil kapag ginagawa ko po yun lagi nila pinapaalala sakin yung pagkakamaling ginawa ko kaya ako nabuntis at yun rin po ang dahilan kaya mas pinili ko na kapag magpapa-check up ako ay hindi na magpasama dahil hindi rin po sila nagpapakita ng interest para samahan ako at since kaya ko naman po magpunta sa clinic ako na lang ang lumalakad mag-isa. Kaso po napapadalas lately yung pag o-overthink ko lalo na kapag malapit na ako manganak, hindi ako sure kung sino ang mga makakasama ko sa araw na yun pero kung sakali sana kayanin ko naman pong mag-isa. Madalas akong panghinaan ng loob everytime na nararamdaman ko na di tanggap ng buo ng family ko yung magiging anak ko. Sorry po kung dito ako nag-open. But thank you for reading.

17 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

maging strong ka lang po mommy, isipin mo na lang na makakaraos ka din sa ganyang set up ng buhay mo, pag nakaraos ka na sa panganganak i-promise mo sa sarili mo na ieenjoy mo lagi yung buhay kasama si baby 😊

VIP Member

Sabi ng grandma ko. Kung ano ka nung nangbubuntis ganun din anak mo paglaki.. So be strong, matiisin at di iyakin. Para ganun din siya. Godbless momsh. Isasama kita sa prayers ko. 💪😘

Magbasa pa
5y ago

Same situation 🙁. Pls include me in your prayers also

nakakaiyak naman po :( naluha ako sa post mo momshie. pakatatag ka po para sa baby mo. hayaan mo pag laki nya sya na ang magiging kakampi mo

Take care to you we same single pregnant god bless us 🙏🏻👏🏻 laban lang girl 💙

Hay.... Nalungkot ako sis... Prang papunta na kasi ako dian :(

5y ago

Same here sis

TapFluencer

Okay lang yan, patatag kapars Kay baby 😁😁

I feel you