H E L P

Hi.. I don't how to start but I really really need your help momshies? 19 y/o FTMH, 5 months preggy w/ a baby boy .. To be honest, wala pang alam yung parents ko na buntis ako tanging mga malalapit at mga mapagkakatiwalaan na tao lang yung mga pinagsabihan ko about sa situation ko. Sorry, hindi ko lang talaga alam kung papaano ko sasabihin sa parents ko dahil una sa lahat.. wala akong mukhang maihaharap sa kanila? ginago lang kasi ako ng nakabuntis sakin, dineny at hindi niya inako ang inosenteng bata na nasa tyan ko? Hindi ko na talaga alam yung gagawin ko.. until now, pinagpapatuloy ko pa rin yung pag-aaral ko dahil nasasayangan ako sa mga perang pinanggastos sakin nila mama at papa at nakokonsensya din ako sa mga paghihirap na ginawa nila makapag-aral lang kaming magkakapatid. Panganay ako kaya na sakin lahat yung pressure? .. I'm a 1st year college student, taking up BS Criminology .. Alam ko ang nasa isip niyo mga momsh na delikado baka mapano si baby kasi puro training? Yes, I know kaya nga hindi nako nagpa-participate kapag may mga physical activities. Gusto ko nang tumigil mga momsh at sabihin nalang sa parents ko yung situation ko pero wala akong lakas ng loob? I know expected ko na papagalitan nila ako at alam ko na madi-disappoint sila sakin pero ewan ko ba, hindi ko talaga magawang sabihin sa kanila? Napakahirap. Ang hirap hirap.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Natural lang magalit magulang mo sayo,but eventually matatanggap din nila kung ano man nangyari sayo. Much better sabihin mo na sa parents mo yan para lumuwag din pakiramdam mo,mahirap may tinatago,wala kang peace of mind. Makakasama sa baby pag nastress ang nanay,baka mapaaga ka manganak. Tsaka dapat nakabedrest ka nalang,kasi baka mapano si baby. Tell ur parents na sis. Kaya mo yan!🤗

Magbasa pa