WHAT TO DO?

I currently live dito sa side ng LIP ko. And as usuall. Expect na natin na imbyerna talaga kadalasan ang mga mom in law. Pero etong sakin mejo extra not ordinary. Ako naman kasi yung tipo ng tao na hindi masyado nakikihalubilo o nakikipag close lalo na kung di ko namn trip ang isang tao. Marunong ako makisama pero hindi yung as in feeling close na porke nasa iisang bahay kami. Katulad nalang ng hipag at biyenan ko. Yung biyenan ko, sobrang OC. Disorder na. Kasi hindi na normal. I respect naman kung nasobrahan sya sa linis. Pero hindi Lang yun ang issue. Hindi ko sya magets. Kasi alam nman nyang kakapanganak ko lang. And nagwowork din ako, work from home na callcenter. So panggabi ang work ko. Sinasabay ko sa pag aalaga ko sa baby ko. With the help of my LIP pero ako talaga ang hands on sa baby ko kasi walang tyaga mag alaga ng LIP ko. Saka masyado ng clingy sakin si baby. Turning 2months na din sya. So eto na nga, bisyo ng byenan ko ang maglinis. Kuskos dito, pagpag doon, walis mayat maya. As in hindi na sya normal. Magpupuyat sa gabi sa paglilinis. Matutulog ng mga 2am tapos gigising nnmn ng 4am para maglinis nanaman. Sorry pero hindi talaga normal para sakin. Wala nmn masama maglinis.pero naloloka talga ako sa byenan ko. Tapos papansinin nya ako palagi daw akong nakahiga, tulog at nagsecellphone. Alam mo yun, parang wala akong ginagawa. Jusko. Halos tulog ko putol putol. Wala ako matinong tulog. Lagi nagkakataon pag nakikita nya ako eh tulog ako kasi panggabi work ko. At hindi rin ako makatulog ng diretso maghapon kasi nag aalaga pa ako ng baby ko. Yung lip ko ang gumagawa ng mga gawain. Kasi mas gusto nya magfocus ako sa anak namin.pero yung byenan ko ewan ba. Ang hirap. Minsan pinagsabihan pa ko na wag ko daw inaasa lahat sa lip ko. Jusko namn. Gustong gusto ko kumilos. Kaso nktali ako sa baby ko. Pag tulog baby ko gusto nya kasi sakin sya nakahiga. Gusto rin lagi karga. Naisip ko nman minsan Lang nmn baby nag anak ko kaya bakit ko ipagkakait yon sakanya diba. Hays. Tapos ayun shempre nnagengealam pdin byenan ko, malamang syempre nakikitira lang ako eh. Gustong gusto ko na makabukod. Palagay ko yun nlang nag solusyon. Kasi sa totoo Lang sakanya ako nasstress e hindi sa work at pag aalaga ko sa baby ko. Kaso ayaw ng LIp ko. Sabi nya wag ko nalang daw pansinin mommy nya. pero ang hirap ksi. Dko magawa mga gusto ko. Lagi ko iisipin ssbihin ng byenan ko. Ultimo sa mga bnibili ko para sa anak ko pinapakealamn. Pati pag gastos ko. Lahat as in lahat. ewan ba dko na alam. Ano po sa tingin nyo mga mamsh? πŸ₯ΊπŸ₯Ί

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ang naisip ko get even with him.. how? total ayaw po Niya umalis. at ikaw lng nmn nkikisama sa mom Niya. mag take turns Po kayo.. example po 2mos sa side ng LIP mo then 2mos sa Inyo. para ramdam din Niya Pano makisama.. meet half way.. Yun lng Yung way para malayo at makapag recharge ka from your byenan n OC. tpos marealize ni Mr. ganu kahirap makisama. . wag mo po alisin ganung set up until wla p kayo sariling place. Ang unfair nmn sa parents mo n di nakakasama Apo nila.. wla p nmn kayo bahay n sarili and sa side k lng Ng byenan mo lagi. 😁

Magbasa pa

Pinakamagandang solusyon sa problema mo, bumukod kayo. Para hindi kayo nagkakapunahan parehas. Walang ibang way kundi yung bumukod lang para kahit matulog ka na makalat ang bahay walang makikialam sayo kasi bahay mo yun.

4y ago

totoo mamsh. gustong gusto ko talaga pero dko makumbinsi yung Lip ko 😒