Mucus Plug

I am currently 33 weeks pregnant sa twins ko. Last week sinugod po ako sa ospital due to bleeding and light contractions pero pinauwi din same day at niresetahan ng nifedepine for 2 weeks kontra hilab at suggest for bed rest. Kahapon po nagstart akong labasan ng thick jelly like na may blood hanggang ngayong araw po halos every cr ko merong lumalabas pero wala ako nararamdamang iba siguro dahil sa pagttake ko ng kontra hilab. Ask ko lang po if need ko na ba pumunta sa ospital? Or need ko pa humilab tyan ko or matapos meds ko? Medyo malayo po kasi ung ospital samin and natatakot po ako baka lalo ako matagtag or mastress sa byahe kasi kolong lang po gamit namin.

Mucus Plug
5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Update po. Nagpunta po kami sa ospital the next day since may tumulo po sakin na water with blood. Pero pinauwi lang po kami at nagreseta ulit ng 4 doses of dexamethasone for lungs ng twins ko at terbutaline. Okay lang po kaya ang twins ko nun kahit tuloy tuloy po ako nilalabasan ng mucus plug? 1cm po ako 2 weeks na humihilab din yung tyan ko pero naccontrol ng iniinom kong gamot. Hndi po kaya sila mastress kasi parang gusto na talaga nila makita ang outside world?

Magbasa pa

Na admit ako last Jan 18.. Wala discharge pero naninigas tyan ko every 1mins.. Pag i.e. 2cm kaya inadmit ako.. Kagabi lng ako nakalabas. Kinumpleto dexa 4shot hbang nka admit ako.. Strictly bedrest payo ng ob pero sabi sakin once na sumakit ulit at may lumabas na spotting iaadmit ako ulit.. Nifedipine din pinapainom sakin hbang nka admit ako. Tumatalab nman sya kaya ako nkauwi.Isoxuprine na ngayon pinainom sakin.. 34weeks nko

Magbasa pa
TapFluencer

Yes need mo na pumunta sa ER po and inform your OB na rin (kung may contact number ka nya), if jelly lije with brown or red yung itsura, mukang mucus plug na po. Godbless po and be safe kayo ng twins. 🙏

Magpa-ER na po kayo. Wag na kayo magintay ng sagot dito. Kahit matagtag ka sa byahe, at least nasa ospital ka na. Highrisk po ang twins mommy. Wag na po kayo magdelay pa. Ingat po kayo 🙏🏻

VIP Member

punta ka na sa hospital para sure, i had my twins at 34 weeks but before that pumutok na ung panubigan nung isang baby ko.. so I need to stay sa hospital for close monitoring.

2y ago

Galing na po kami sa ospital kahapon kaso pinauwi lang po kami. pinapacheck ko sana if panubigan yung tumulo sakin kahapon kaso ayaw nila icheck thru ultrasound