What if?

I asked my husband, "Paano kung may mangyari sa amin ni baby during labor tapos isa lang pipiliin para mabuhay, sino pipiliin mo?" He answered, "Si baby". And yeah, decision nya un, pero nahurt ako kasi he didn't even think twice. Iniexpect ko kasing sagot e, ayaw nya may mawala sa amin or better kung sinagot nya nalang na di nya alam. Pag husbands nyo tinanong ng ganun, ano sa tingin nyo isasagot and what will you feel??

37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tinanong ko na si hubby dati if ever may mangyari sakin sa panganganak, or kung papapiliin sya, ano gagawin nya. Nagalit sakin 😁 kung ano ano daw pinagbababasa ko kaya napa-praning ako. Tapos magbibiro ng, "gusto mo patayin na kita ngayon e!" kaya alam kong wala sya gustong mawala samin ng anak nya. 😊

Magbasa pa

Napag-usapan nanamin yan ni hubs, and I told him na if ever he have to choose me. Kasi may anak na kami eh, ayoko mawalan ng nanay ang panganay ko. And mahihirapan daw siya alagaan si baby knowing na nawala ako. Tsaka pwede pa naman kami magkababy ulit. Kanya-kanyang desisyon naman yan.

Tinanong ko rin si hubby niyan, palagi niyang sinasabi na wala siyang pipiliin... sasabihin niya sa doctor na gawin lahat at 'yung best para ma-save kaming dalawa. Pero ako palagi kong sinasabi na si baby ang piliin niya, kaso nagagalit siya 😅 mag-pray lang daw kami...

Awww. I also asked my husband about dyan.. Dati pa un.. Ang sagot nya ang gusto nyang isave ay ako.. Sabi ko bakit nmn.. Ang sagot nya, kasi pwde nmn daw ulit kaming gumawa ng bago eh. Masakit ung sayo mamsh. Kasi parang wlang pag aalinlangan man lang syang sumagot ng ganun.

Tinanong ko na yun husband ko jan dati and sagot nya "Ako pipiliin nya" Although madakit daw syempre lalo na 1st baby namin. Pero sinabi nya na mas mahalaga daw ako and pede naman daw kami magkababy uli if ever man. Diko nga alam mararamdaman ko non eh 😪

ganyan dn tanung ko before sa first baby pa namin ng husband ko ang sagot nya ako ang pipiliin nya pero sabi ko yung baby ang piliin nya wag na ako.. sabi nya nalan manahimik nalang ako manalig kami sa dyos kung ano2 daw ang kc ang iniisip ko hahaha

Ung kasabihan na "dont cross the bridge till you get there". Why ask this kind of questions na unnecessary tapos sa huli mastress at masaktan ka pa. Always pray for safe delivery for the both of you.

When we were bf/gf, nag-ask nqo sknya nyan if ever mag-asawa n kmi at mangyari yan, ang sagot nya aqo pipiliin nya kasi ayaw nya aqo mawala. Now that we're married, natatakot nqo itanong yan haha parang masstress aqo. 😂

Nako pag si hubby tinanong ko ng ganyan sabihin pa sakin O. A na naman ako haha! Kung ano ano iniisip ko tapos magagalit sasabhin na wag ko itatanong sakanya yun dahil hinding hindi mangyayare yun.

Yung mister ko laging ako ang pinipili. Kasi kawawq naman daw yung iba pa naming kids na maiiwan. Like hindi namin gustong mangyari o pinapangarap sadyang minsan mapag uusapan lang talaga