I NEED SOMEONE TO TALK TO

I am 38 weeks and 6 days. 3 months pa lang ang tyan ko iniwan na ako ng daddy ng baby ko. Bumalik sya sa ex nia na hiwalay sa asawa at may anak. Recently,nagparamdam sya. Nagsasabi na pupunta dito and all. May sinabi pa sya na if umuwi ako sakanila sa mindanao, hindi na ako makakauwi samin. Ako naman si gaga asang asa..nagbook ako ng flight papunta sa kanila kahit kabuwanan ko na. Araw na lang inaantay ko kaso today nagmessage yung kaibigan nia. Kaya lang pala sya pupunta rito and kaya lang pala nakipag usap sakin is dahil pinagsabihan nia. Pinagsakluban talaga ako ng langit at lupa. Umasa talaga ako na maaayos pa kami..na mabubuo ang pamilya namen..na narealize na nia at natauhan na sya na kami dapat ang piliin nia. Hindi ko alam kung paano pa. Hindi talaga ako okay. Gusto ko lang ivent out ang sama ng loob ko,grabe ang katangahan ko sakania. Gusto ko ng advice na maglalagay ng sense sakin kahit gaano kasakit pa. Gusto naman nia maging parte ng buhay ng bata. Last time nagpadala sya ng malaking pera para sa panganganak ko. Hindi ko naman pinagkakait ang baby sakania at sa pamilya nia pero naglagay na ako ng boundary na hindi ko na sya gustong makita pa kahit kailan. Tama lang naman po di ba? Naguguluhan kase ako ngayon kaya kailangan ko po talaga ng advice.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy. Its your choice pero if i wer you tama ang ginawa mo.. Tama lang na tanggalan mo na sya ng karapatan sa bata. Unang una pinili nya ung ex nya kesa sayo. Nagpadala sya ng pera para sa panganganak mo talagang dapat lang dahil unang una dalawa dapat kayo dyan pero ikaw lang ang bumubuhay sa bata. What i mean na sana dalawa kayo nag aalaga pero iniwan ka nya sa ere. Obligasyon na na mag abot talaga. Tama na kommy 2019 na di na uso ang pag paka martir. Sabihin na natin lalaki ang anak. Mo na walang kikilalaning ama. Ikaw. Ikaw ang tatayong ama at ina sa knya ibigay mo lahat para mapunan mo ang tungkulin na gago nyang ama na iniwan sya.. Ako mommy if ever di ako takot makipag hiwalay sa asawa ko alamnya yan dahil aanhin ko ang asawang sakit sa ulo? Edi magpaka single nalang ako at umako ng lahat. Oo mahirap mag isa pero para sa anak walang mahirap yan tayong mga nanay. Cheer up Mommy 😘😘 amdyan si lord di ka nya iiwan

Magbasa pa
6y ago

Aw..thank you sis. I really need this one. Ang sakit sakit lang kase. Umasa kase ako tapos mafifind out ko na dahil pala sa friend nia kaya pala ganon. Trusting and praying na malampasan ko to.