HELP me out. ?

Hi. I am 23 weeks pregnant. Masakit pa dn pala malaman na nabuntis dn ng ex ko ung sinabay niya sa akin. Baka sabay pa kami manganak. Ang masakit lang yun ung pinili niya kasi un ung may pera. Sabi nga nla walang panama ang ganda kung may pera ang karibal? Akala ko wala na lanh un kasi iniisip ko na magfofocus na lang ako sa baby ko. Yun pla masakit pa din. Kasal po yung guy. My anak din siya sa una niyang asawa at iniwan din niya.. Yung guy walang work ngayon so literal na umaasa siya dun sa girl since may kaya ung girl. Kinonsinte ng parents ng guy ung ginawa nea sa akin. And even his parents were latching on the girl pala kaya ndi sila komontra. Masakit un kasi inuuwi pa niya ako nun sa bahay nla. Pero un nga okay na dn at nakalaya na din ako sa kanya at pamilya niya. Ang tanong ko po is need ko pa bang ipakilala sa magiging anak ko yung ama at pamilya ng ama niya or hindi na.? Note po. Yung guy wala na pakialam sa amin.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ipakilala mo. Karapatan ng bata malaman kung sino ang father nya. Wag mo hayaan baby mo na lumaking may galit sa father nya kahit na iniwan sya. Gabayan mo na lang para di lumaking kagaya ng tatay. After all tatay nya pa din yun. Pag nagkaisip naman na sya maiintindihan nya na kung anong ugali meron ang father nya. Nasa kanya na kung ituturing nya pa ding ama. At nasa tatay naman ng bta kung gusto nyang magpakatatay sa anak nyo. Kung ayaw makilala ng guy yung bata edi wag. Pero sabihin mo pa din sa anak mo at least alam nya kung sino tatay nya. Ako nga di ko kilala father ko. Kahit itsura di ko alam.

Magbasa pa
6y ago

True. Minsan naa-underestimatw natin ang understanding capabalities ng mga anak natin. Let your child know his/her father.