HELP me out. ?

Hi. I am 23 weeks pregnant. Masakit pa dn pala malaman na nabuntis dn ng ex ko ung sinabay niya sa akin. Baka sabay pa kami manganak. Ang masakit lang yun ung pinili niya kasi un ung may pera. Sabi nga nla walang panama ang ganda kung may pera ang karibal? Akala ko wala na lanh un kasi iniisip ko na magfofocus na lang ako sa baby ko. Yun pla masakit pa din. Kasal po yung guy. My anak din siya sa una niyang asawa at iniwan din niya.. Yung guy walang work ngayon so literal na umaasa siya dun sa girl since may kaya ung girl. Kinonsinte ng parents ng guy ung ginawa nea sa akin. And even his parents were latching on the girl pala kaya ndi sila komontra. Masakit un kasi inuuwi pa niya ako nun sa bahay nla. Pero un nga okay na dn at nakalaya na din ako sa kanya at pamilya niya. Ang tanong ko po is need ko pa bang ipakilala sa magiging anak ko yung ama at pamilya ng ama niya or hindi na.? Note po. Yung guy wala na pakialam sa amin.

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ipakilala mo. Karapatan ng bata malaman kung sino ang father nya. Wag mo hayaan baby mo na lumaking may galit sa father nya kahit na iniwan sya. Gabayan mo na lang para di lumaking kagaya ng tatay. After all tatay nya pa din yun. Pag nagkaisip naman na sya maiintindihan nya na kung anong ugali meron ang father nya. Nasa kanya na kung ituturing nya pa ding ama. At nasa tatay naman ng bta kung gusto nyang magpakatatay sa anak nyo. Kung ayaw makilala ng guy yung bata edi wag. Pero sabihin mo pa din sa anak mo at least alam nya kung sino tatay nya. Ako nga di ko kilala father ko. Kahit itsura di ko alam.

Magbasa pa
5y ago

True. Minsan naa-underestimatw natin ang understanding capabalities ng mga anak natin. Let your child know his/her father.

Yes, para na lang sa karapatan ng bata. Pero kung custody? Wala naman silang mahahabol sayo. Hayaan mong maging buo yung pagkatao ng baby mo kahit sira yung pamilya nyo. Kasi kung itatago mo yung anak mo, balang araw baka sumama din ang loob nya. So better na ibigay mo yung karapatan nyang makilala ang ama nya. Yung kahit makilala nga lang ๐Ÿ˜Š God bless na lang sa kaniya na gumawa nyan sayo. Wag masyadong magpaka stress sa mga walang kwentang tao. ๐Ÿ˜Š Dimo sila kailangan .

Magbasa pa

Dapat mo ipakilala sa takdang panahon, dahil darating ang araw si baby ang magtatanong kung sino at saan ang tatay nya. Pero since sayo na nanggaling na wala na paki sa inyo, magpakatatag ka na lang para kay baby. Sa tingin ko himala na lang na bumalik sya sa inyo ni baby. Pakatatag ka momsh. Ipakita mo na kaya mo at di sya kawalan. Stay strong! Ingatan mo si baby. Godbless you! ๐Ÿ˜‡

Magbasa pa

Kung hiniling Ng tatay na makilala nya Yung anak mo , cge ipakilala ko. Kung nagtanong naman Ang bata Kung sino ang ama nya ipaalam mo Kung sino kasi habang lumalaki Yan magtataka Yan at magtanong. Regarding sa ama nya na irresponsable, Kung gusto mo turuan Ng leksyon pwede mo idemanda under R.A. 9262 tingnan ko Lang Kung hnd sya mapilitan magsustento. Ipakulong mo na Lang tuluyan mo.

Magbasa pa
5y ago

Anong pwdeng ikaso sa mga lalaking ganyan? Ilang years ba makululong?

for me wag na ipakilala ,he don't deserve dahil wala na xang pakialam na sa inyo but wag kng mag tanim ng galit, as part of moving on forget what's behind, parang ibaon mo sa lupa ang situation na yan at wag kang lumingon. . . Better days are coming just always pray ,include God in all your decision and plan He will guide you all the way. Trust God. Isaiah 43:18

Magbasa pa

wala din pakialam samin ng ama ng baby ko since nalaman niyang nabuntis niya ako, mas worst nga sakin e kasi dinedeny niya kasi ayaw niya ng responsibilidad. so, tinakbuhan niya ako at blinocked niya ako sa Social Media para di ko na siya macontact. wala yun support kahit piso. walang kwenta at walang pusong animal na yun

Magbasa pa
VIP Member

Sis I grew up na walang Dad. Pero masasabi kong,pinaramdam ng Mom ko na di namin kakailanganin at hahanapin pa ang love at affection ng isang Dad. Kaya malaki bilib ko sa mga single mothers na kaya ang mga sitwasyon na kagaya ng dinadanas mo, kaya alam kong kakayanin mo din yan.. You are blessed after all๐Ÿ™‚

Magbasa pa

I'm sorry to hear about that. Sa tanong mo, yes, tell your child about his/her father. It's their right. Para lang hindi sya maghanap. Then that's it. I don't think you have any obligation to the guy since wala naman yata sya plan to give support. Bakit kaya may mga taong ganyan...

Kung ako siguro sis, ipapakilala ko lang ang baby ko sa kanila once na may concern silang kamustahin ang baby. Kung wala naman, ok lang kung hindi siya kilalanin/kamustahin. If ever man na magkaisip anak mo then nag ask siya about sa father niya, dun mo na lang iexplain.

Buti na lang wala na kayo dahil kung nagtagal baka mas masakit pa ang idulot niya sayo. Endure the pain now but please think twice because you're pregnant. Always think your unborn baby. Be strong, Mommy. God is always with you! ๐Ÿ˜˜