2864 responses

sobrang mas lalong naging maalaga sakin yung asawa ko. tipong wala pa nga si baby hati na kami sa gawaing bahay, tas nung nagbabago na yung katawan ko dahil sa pagbubunttis, nung nagstart palang akong magsuka nung 2nd month? lagi nyang sinisigurado na yung kakainin namin is kung ano yung gusto ko. pag may mga times na di ko talaga alam kung anong gusto ko, yung ayaw ko nalang yung sinasabi ko at iniiwasan nya talaga na yun yung bilhin para hindi ako mawalan ng gana kumain. HAHAHAH tapos nung lumalaki na yung tiyan ko, syempre ang hirap na gumalaw, ang hirap yumuko, hirap maghanap ng pwesto ng upo or kaya paghiga. tinutulungan nya kong iadjust yung pwesto ko tapos pag magsusuot pa ng pang baba sya na rin nagaalalay sakin. sobrang di ko maimagine kung pano ko maiintindihan sarili ko kung di sya ganon sakin mag asikaso. minsan pa kapag nanonood sya sa cp nya tas tulog ako, magigising nalang ako bigla tas mag iinarte pero niyayakap nya ko agad tas alam nyang kapag nagpapapansin ako sakanya masakit yung likod ko. sobrang naging caring sya lalo pati paglalabas kami.ππ kaya naman sa lahat ng aspeto, bawas stress talaga kasi sya na nagaasikaso sakin, maaasahan pa sa ibang bagayyy
Magbasa pa


