![Tinutulungan ka ba ng partner mo para hindi ka masyadong ma-stress habang buntis?](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/assets/question_images/thumb_1611020092742.jpg?quality=90&height=400&width=500&crop_gravity=center)
2859 responses
![undefined profile icon](https://static.cdntap.com/parenttown-prod/profile_15637872962857.jpg)
sobrang mas lalong naging maalaga sakin yung asawa ko. tipong wala pa nga si baby hati na kami sa gawaing bahay, tas nung nagbabago na yung katawan ko dahil sa pagbubunttis, nung nagstart palang akong magsuka nung 2nd month? lagi nyang sinisigurado na yung kakainin namin is kung ano yung gusto ko. pag may mga times na di ko talaga alam kung anong gusto ko, yung ayaw ko nalang yung sinasabi ko at iniiwasan nya talaga na yun yung bilhin para hindi ako mawalan ng gana kumain. HAHAHAH tapos nung lumalaki na yung tiyan ko, syempre ang hirap na gumalaw, ang hirap yumuko, hirap maghanap ng pwesto ng upo or kaya paghiga. tinutulungan nya kong iadjust yung pwesto ko tapos pag magsusuot pa ng pang baba sya na rin nagaalalay sakin. sobrang di ko maimagine kung pano ko maiintindihan sarili ko kung di sya ganon sakin mag asikaso. minsan pa kapag nanonood sya sa cp nya tas tulog ako, magigising nalang ako bigla tas mag iinarte pero niyayakap nya ko agad tas alam nyang kapag nagpapapansin ako sakanya masakit yung likod ko. sobrang naging caring sya lalo pati paglalabas kami.😊💕 kaya naman sa lahat ng aspeto, bawas stress talaga kasi sya na nagaasikaso sakin, maaasahan pa sa ibang bagayyy
Magbasa paSuper oo, can't imagine my pregnancy journey without him. Kahit galing work, sya pa mamamalengke, luto at hugas ng plato ng wala reklamo. Simula ng nabuntis din ako.. never nako nakapag laba dahil ayaw nya. it's either ipapalaundry nya or sya mismo maglalaba. Lagi nag aask kung ano gsto ko kainin every meal. I'm so grateful sa asawa ko.. salamat sa Dyos sa pagbibigay ng mabuti at mapagmahal na asawa. 😍
Magbasa pai'm on bedrest kaya thankful ako sa life ng husband ko because he is doing his very best para maka assit and support sa akin. What i do in return is i.appreciate lagi ang mga ginawa 🙂
Kaya sobrang thank you sa asawa ko dahil ginagawa niya ang lahat para maging maayos kmi ni baby lalo nung 1st 3 months nmin 😊😊😊. He makes me feel happy, strong and beautiful.
definitely♥️ luto ng pagkain, hilot pag may masakit, generally being there for me and making me happy and super loved🥰
Nag bigay pa sya ng stress sa amin ng baby ko.. Nalaman na preggy ako bigla inatake sa puso😡 hindi na nag paramdam 😡
he is my happy pill and my sanity.. 🥰🥰🥰🥰 pinapakalma nia ako pag umiinit na ulo ko.. ♥️
Haha... sobra syang nakaka stress until now... mapapa Haaayyy ka nalang😞
yes, bnibgay nya lht ng gusto ko tapos lht ng gawaing bhay cya gumagawa
hindi !! kasi naka quarantine sya ..mag 2months na sya dun 😔