Private Hospital

My husband and I we're both 19 y/o. And I am already 7 mos pregnant. And sa private hospital ako nagpapacheck up dahil gusto ng daddy ko. Pero dahil bata pa kami ng asawa ko, mama nya ang sumasagot ng check up ko na nahihiya din ako dahil sobrang mahal ng check up siz. Wala din magawa ang mil ko dahil doon ang gusto ng daddy ko para daw hindi ako mahirapan manganak. Siz ang problem ko is yung ob ko. Feel ko pineperahan nalang kami dahil every check up ko, 5k ang nagagastos namin. Ang dami nyang binibigay na gamot. Wala ako magawa dahil doon ang gusto ng daddy ko at doon lang ang pinakamalapit na ospital samin. Di ko talaga gusto yung ob ko dahil parang namemera nalang sya at hindi ko trip sa kanya magtanong tanong ng masakit saken kase feel ko iaadmit nanaman nya ako. At pag kinakausap ko sya sa viber ang limit nya magreply nakakainis. Alam mo yun? Parang wala syang pakielam. Gusto nya sa check up ko sabihin yon para may bayad. Di ko feel sa kanya mag open up ng nararamdaman ko kaya dito ako nagtatanong tanong. Ughhh matagal ko ng gusto magpalit ng ob pero wala talaga ako magawa. May alam nga kami na every check up may ultrasound eh kaso public hospital at pila pila. Gusto ko sana doon kaso ayaw talaga ng daddy ko :(((

44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Private din ob ko, actually siya may ari ng hospital na pinagpapacheck-upan ko, pero never umabot sa 5k yung gastos ko sa isang check-up. 1.5k na yung pinakamahal na binayad namin sa ob, 1k for ultrasound then 500 check-up fee (ob-sonologist yung ob ko). Sobrang mahal naman ng singil ng ob mo. Tsaka yung sa gamot, gaano kadami gamot na nirereseta sayo? Yung ob ko kasi hindi siya nagrereseta ng more than 4 meds, masama rin daw kasi sa katawan yung sandamakmak na gamot ang iniinom. Nagbibigay siya alternative and mas organic na pwede kong itake.

Magbasa pa
5y ago

Ask mo kung available ba sa drugstores yung mga gamot na nirereseta niya, baka mas makamura kayo if sa labas bibilhin.