52 Replies
Ako nga 17 lang ako sa first baby ko. Don't ever think that you are a dissapointment. Mapapagalitan ka ng parents mo natural yun but you have to accept that, maiintindihan mo.din yung pakiramdam nila na yun paglaki ng anak mo lalo kung babae pero hindi ka nila pababayaan o itatakwil. Ang mahalaga pagka panganak mo ay makapag aral ka ulit hanggang makahanap ka nh permanenteng trabaho para kay baby. Tuloy lang ang buhay. Hindi pa katapusan yan. Yan ang umpisa ng panibago mong buhay kaya pakatatag ka. Congrats na din for having an angel. Si God ang nagbigay nyan. May rasong maganda ang Diyos kaya ibinagay nya yan sayo. Ingat palagi. God bless you and your baby.
Hi! Nung una, natakot din ako kasi I thought itatakwil ako ng parents ko 😂 But they didn't. Inaccept nila ako, and of course they'll ask for your plan. So siguro maigi na masabi mo sa kanila kung ano plano mo once mapanganak si baby and syempre, yung plano nyo ng ama ni baby. Marami kasing factors eh, diba? Depende sa ugali ng parents mo actually eh. Kung mabait naman parents mo and they love you, for sure iaaccept ka nila. Now kung panganay ka man and inaasahan ka nila na makakatapos para tumulong, siyempre siguro they'll be disappointed at first pero matatanggap din nila yan. Pray and tiwala lang. God bless you!
same here . nag aaral pa din ako at unexpected ang pagging preggy ko . nun una tinago ko sa parents ko kasi takot ako baka palayasin ako or what pero nun nalaman nila, oo nagalit sila may time na kapag dumadaeng ako na may masakit ssbhin pa nila "ginusto mo yan eh" pero now 7 months na okay na nag ssabi na ung mommy ko na puro white muna bilin namin na damit para makita kung may langgam . pangako ko sa sarili ko na ittuloy ko pa din pag aaral ko khit may baby nko kunting tiis at tyaga lang pasasaan ba at mkaka tapos din tayo ..
ako mamsh kakagraduate ko lang ng 4thyr college. nagapply nako nung nalaman na buntis ako dapat may work na sana ako pero di ko na lang tinuloy para safe ang baby ko. natakot din ako sa dissapointment kasi kakagraduate ko lang pero sinabe ko padin sa magulang ko kasi need din nila malaman para may mag guide sayo at hindi ka rin mastress. bawal sa baby mastress kaya sabihin mo na sa parents mo matatanggap din nila yan. magagalit sila sayo pero hanggang dun lang yun maiintindihan ka rin nila.
Harapin mo consequences mo. Dapat di ka matakot. Bat asan ba tatay niyan? Dapat papanagutan ka. Hindi ung puro gawa lang at saya. Ako nga di naman natakot. Kasi alam ko pananagutan ako. At limit ko sa bahay. Kung nagalit man sila, respetuhin mo sila. Hindi ung sasagutin mo pa. Kung ano man sabihin nila, hayaan mo. Wag ka papaapekto. Kung lalabas ka man. Itago mo magsuot ka ng maluluwag. Para walng chismis sa labas. Ipaharap mo ung tatay niyan sa pamilya mo. Di ung ikaw lang mag isa lalaban
I'm 17,face the consequences siz syempre may possibility na magalit sila at maraming mangjajudge at mangjajudge sayo pero LABAN lang! Takot din ako nung una kasi baka di na ako pag aralin kasi yun laging sinasabi ng parents ko sakin pero in the end tinanggap pa rin nila, though minsan mafefeel ko talaga na di pa nila fully natatanggap kasi nga masyadong pang bata pero may reason si God kung bat nya binigay ng maaga satin yung mga baby natin 😇 payt payt langgg! ❤️
Ako po 18 palang and same with u sis first year college din. Super disappointment ang naibigay ko/namin sa mga parents namin ng hubby ko. Pero nilakasan namin loob namin na harapin lahat ☺️ at ngayon eto tanggap na at yung mother ni hubby pinagtatahi na ng damit si baby at pinagiisipan na agad ng name. Napakasarap sa feeling pag naamin na agad. Sa una puro galit pa sila pero at the end of the day wala na silang magagawa kasi nandyan na e. Tatagan mo lng loob mo sis
That's my first reaction din before that I'm a failure or disappointment kasi nabuntis ako at an early age kaka 19 ko lang din. Pero narealize ko na super blessed ko kasi biniyayaan ako ng anghel. Huwag kang matakot hindi porket nabuntis ka hindi mo na ma aachieve ang mga goals mo, may maraming panahon pa para jan. For now focus ka muna sa magiging anak mo para healthy sya sa paglabas soon. Tell your family para mas lalong titibay ka. Congrats and God Bless 😊.
Mas nakakatakot na patuloy ka nalang matatakot ipakita mo sakanila na kaya mong panagutan iyong ginawa mo wala kasi kapag inuna mo ang takot madaming papasok na negative sa utak mo worst baka isipin mo pang ipalaglag yan dahil sa takot mo. Harapin mo hindi naman matatapos yan kung hindi mo sasabihin hanap ka muna ng tao na malapit saiyo relatives na pagsasabihan mo at tulungan ka kamo sabihin sa family mo, isama mo iyong lalaking kasama mo sa pagbuo niyan.
Iba iba kasi ng reaksyon mga parents. Ang ginawa ko sa ate ko muna sinabi at sila nagsabi sa parents ko.. Sila na din nagexplain for me para impact saken less na.. Nakakatawa pa kasi mapuputi kame eh bf ko maitim. After masabi ng mga kapatid ko sa parents ko ang unang nasabi saken ng parents ko eh 'ready ka na ba magkaron ng anak na maitim?' ramdam yung disappointment but its normal.. Later on mapapalitan na yan ng excitement. Go girl you can do it!😀