My Baby's Hospital Bag! ❤

How I packed/Prepare my Baby's Hospital Bag 😊 Share ko lang kung paano ko inayos yung mga dadalhin ko pag nanganak na ko. Currently 32weeks. EDD ko December 19 pero ngayon palang inayos ko na :) *Excited?* 😍 Nilagay ko siya sa Ziplock para hygienic na rin then nilagyan ko lang ng Label para madaling ma indentify kung ano ano yung laman nya tsaka para madali na din sa nurse/mid wife or sa magbabantay saken na hanapin yung mga kailangan. Isang abutan nalang diba? :) Hindi na mag hahalungkat pa. *RECEIVING* 1 Shortsleeve 1 Longsleeve 1 Pajama 1 Set Mittens,Booties,Bonnet 2 Receiving Blanket 1 Swaddle 1 Newborn Diaper *GOING HOME OUTFIT* 1 Shortsleeve 1 Longsleeve 2 Pajama 1 Set Mittens,Booties,Bonnet 1 Swaddle 2 Newborn Diaper Then,Nagdala din ako ng extra incase na mapatagal sa Lying inn. Di ko naman din sure kung ilang araw ako aabutin dun. *EXTRA'S* 2 Shortsleeve 2 Longsleeve 2 Pajama 1 Set Mittens,Booties,Bonnet 1 Swaddle 20pcs Newborn Diaper Then,yung nasa Plastic organizer. (Ito na mismo yung ibibigay sa mag aasikaso saken) Isang bigayan nalang. - Alcohol - Wipes - Petroleum - Cotton balls - Cotton buds - Betadine - Diaper - Baby oil - Diaper cream - Grooming kit - Baby wash - Face mask Sooo,Excited!! ❤❤❤#firstbaby #pregnancy #1stimemom #theasianparentph

My Baby's Hospital Bag! ❤
96 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ginawa ko nung bago ako manganak. On my D-day, may isa lang ako di napaghandaan, di agad ako nilabasan ng gatas nung nagpadede ako. 😂buti na lang malapit lang kami sa lying inn, nagpahatid kami ng baby feeding bottle at formula milk. so yun. If 1st time mom po kayo like me, advise ko po na prepare na din kayo ng baby feeding bottle at formula milk in case wala agad lumabas na gatas pag nagutom si baby. After 2 days pa yata ako nagkagatas nun. 😂 #JustSharing

Magbasa pa
4y ago

@JPI Thank you mamsh! 😊

sana may mga gamit nadin ako para kay baby😢due date ko december 20 and kung may pera lang ako at nakakapagtrabaho at kung nalaman ko lang na buntis ako ng maaga napaghandaan ko😢 edi sana nasusuplyan ko mga pangangailangan ng baby hirap umasa sa mga magulang ng partner ko bukod sa wala din trbho partner ko hirap din ung mga magulang nya na sustentuhan panganganak ko😢 good luck po sa panganganak nyo maging ok po sana baby nyo paglabas😇

Magbasa pa
3y ago

i push mo yung partner mo na gumawa ng paraan or mag hanap ng work, mag hirap kasi talaga umasa sa magulang kahit sabihin pang may magandang work ang magulang still mali padin kasi kayo ang gumawa nyan wag i asa sa magulang, so yun pray kalang and kausapin mo partner mo kaya nyo yan, goodluck

Same po, nilagay ko sa isang ziplock yung pang isang bihisan na nya, para di na magbukas ng ibang ziplock yung nurses. then pang nextday naman yung iba at extra outfits/diapers. nilagay ko din sa iisang ziplock yung essentials pero in mini version lang nilagay ko na alcohol, baby wash, baby oil since di nman kkelanganin dun yung maraming essentials.

Magbasa pa
Post reply image

dagdagan mo sis, yung sa RECIEVING mo ng pamunas saknya habang may dugo pa siya gaya ng lampin, kasi baka gamitin yung pang balot ni baby sakanya kaya hihingi pa sila ng bago ganyan, 😌 na experience lang kasi nung isang kasabayan ko halos manganak. buti nalang ako nun nagamit lahat ng lampin na nilagay ko yun yung pinaka pinangpunas kay lo.

Magbasa pa
4y ago

Binabalik ba nila mga lampin after gamitin?

aq po experience q sa panganay q complete lht bnigay ng Mr. q nka ready nkc iaabot nalng Nia sa nurse pg bigay sakn Ng baby q kulang wlang pajama, mittens and bootie. n gasgasan tuloi nose Ng baby q kc mahaba kuko nila ska qlang nabihisan Baby q Ng maayos pg akyt samin sa room. sana ngaun sa 2nd baby q wg n maulit un.😊

Magbasa pa
4y ago

Nako ang panget nman ng experience mo dun mamsh.

nakakapack ko lng din now ng mga dadalin ko a hospital.two pair lng lhat kc malapit lng nman kme s hospital incase n my need pwde nmn umuwi at kumuha.33 weeks plng nmn ako ngready lng ng mga gamit incase kc busy din husband ko s work pra d n maaligaga s pgkuha ng mga gagamitin.

4y ago

Ako din mamsh malapit lang din :) Mas okay ng maaga mag ayos kesa maaligaga baka may makalimutan kahit na malapit lang.

aq po nka pack n 7months palng tiyan q😊 pero minsan inaayos q ulit double check qng Mai kulang or wla pag wla nq ginagwa. December 28 due date q sa Ultrasound q 35weeks and 5days nq ngaun. December 13 namn due date q base sa LMP q. 37weeks and 6days nq ngaun

4y ago

Ako din mamsh,Panay saket na ng balakang ko,Naninigas nigas na din tyan ko .

im 31 weeks ang 4 days pero naka handa n lahat ng gamit n baby at gamit ko completo n lahat... team january 🥰🥰😍😍😍 ginawa ko naman day 1 completo n s loob ng zip lock hanggang day 3 then going home cloths at nag lagay nadin ako ng extra cloths😊

Post reply image
4y ago

Meron po sa mga Supermarket.

Same po. Ako last month nakaayos na tapos last week pa ng December EDD. Sa frosted ziplock ko siya nilagay mommy at nilabhan, plinantsa muna :) May label din. Hahaha. Sarap kase mag ayos ng gamit ni baby tapos 2 bags po :) God bless and have a safe delivery mommy❤️

Post reply image
4y ago

Diba ang ganda tignan pag organize ❤👍

go go go momsh! mas okay siguro momsh kung maliliit na bottle lang dalhin mo kasi minsan hindi na nauuwi yang mga yan hehe 😅 lalo na yung baby wash momsh kasi hindi mo pa sure kung okay kay baby, sayang kung hindi sya hiyang.

4y ago

Meron din syang Baby wash ng Baby flo 😊 Bahala na kung saan sya mahiyang dun. Hindi ako nabili ng Isang brand lang kase lalot nga di pa alam kung san sya mahihiyang. Even sa Diaper 3 brands din ang binili ko.