mother in law
How to deal with your mother in law? hindi ko naman po siya sinasagot sagot, tahimik lang ako. Pero kasi, bilang isang ina, ang sasakit na kasi ng mga salita niya. Nasa ibang bansa yung mother in law (MIL) ko, so video chat lang ang means to communicate with her apo (1st apo niya ang anak ko) pero kung makalait siya sa anak ko, ang sakit. • bakit ang itim itim raw ng baby ko (sinabi ko sakanya na hindi naman maitim, moreno yung kulay atsaka magbabago pa) pero pinipilit pa rin niya na ang itim itim daw kitang kita raw niya. E yung lightning nung room at camera na gamit may effect yun db. • ang taba taba raw ng anak ko. Hindi naman katabaan si baby, in fact gumaganda pa lamg yung katawan niya. 2.7kg lang siya nung pinanganak ko. Dami ngang baby na ang lulusog e, ang cute cute, naiingit ako. Pero si MIL ko hindi nasisiyahan, buti sana kung sabihin niya sa akin pero sa chat niya sa husband ko sinasabi. Aniya -ang taba taba raw ni baby (4.6 kgs na siya 1 month pa lang) -ang hirap daw pag mataba ang bata, baka maging obese e magtwotwo months palang si baby -wag ko raw masyadong padedehin si baby (masasabi mo ba sa baby yan) -baboy raw anak ko Yan mga sinabi niya nung month old palang si baby. Ngayong 2 months na -ang taba. Ang pangit. (di na kasi kita leeg ni baby, pero same parin naman yung katawan niya last month :( Ang masaklap yung husband ko ang sinasabi lang niya sa mama niya is: SIGE NAY, SASABIHIN KO SA KANYA. hindi man lang niya maipagtanggol anak niya. Sabi naman ng father in law ko kanina, ang payat pa raw ni baby. Saan kami lulugar ng anak ko sa kagustuhan nila ?