Issue with Mother-In-Law

Hello mga momsh, need your opinion on this kung tama po ba ako or maybe gusto ko lang magvent out dito. 1. Electric Fan Me and my husband are living together with my mother in law temporarily hanggang sa magheal yung sugat ko since 1 month palang after my CS operation. 1 week palang po namin kasama yung mother in law ko lagi na nya sinasabi na patayin palagi yung electric fan kasi malamig sa baby ko. For me alam ko pinagpapawisan ang baby ko kaya kailangan nya ng electric fan. FYI po pala, nasanay ko na si baby sa aircon for 2 weeks. Then nung 3rd week nya na diagnose sya ng neonatal pneumonia due to my uti nung pinagbubuntis ko sya. Kaya OA po ako pagdating din sa pawis nya kasi bawal sya matuyuan. Tonight nakaon ulit yung electric fan and si baby aburido. I know dahil lang sya sa kabag kaya pinahidan ko na sya ng tummy time ng tiny buds. Nung nakita ng mother in law ko na aburido si baby pinatay nya electric fan kasi nga malamig daw. So hinayaan ko nalang until mapansin ko medyo nagpapawis na si baby pinapaon ko na sa asawa ko then sabi ko nagpapawis na si baby. Ang sabi ng mother in law ko hayaan lang daw magpawis para malabas dw nya init nya like mali ba ako na iniisip ko baka matuyuan sya ng pawis? Ok sana kung pinapaarawan sa umaga eh gabi na. 2. Cats Normal lang diba po sa baby na parang may plema na tunog si baby pagka milk lalo pag di pa napapaburp. Whenever may ganung tunog si baby lagi sinasabi ng MIL ko na baka dahil may pusa raw ako kaya rin daw nagka pneumonia. Sometimes sasabihin nya baka napaglihian ko sa pusa kaya tumutunog. Honestly umiinit na po ulo ko kapag paulit ulit ganun sinasabi nila kahit ilang beses ko pa sabihin cause ng pneumonia nya. 3. Loud Talks Malakas po boses ni MIL kaya madalas pag kinakausap nya si baby parang pasigaw na unlike ako na mahina and malambing lang. Lagi nya sinasabi na kausapin ko raw ng malakas si baby para maging madaldal maging matalino raw na for me hindi naman yun necessary. I'm not sure if I need advice or what but I wanted to share lang po if meron po sa inyo nakakaexperience ng ganito. #pleasehelp #advicepls #firsttimemom #firstmom

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello. I feel you, kasi almost 4 years na rin ako nakatira with in-laws ko. It may look like na ang babaw ng reasons po, pero as someone who've been through that, I understand. I understand yung feeling na - ako ang main caregiver ng anak ko, pero kung makapag"advice" sakin parang siya pa mas madami alam sa anak ko at parang taga alaga lang ako siya talaga yung ina. Gets ko rin yung irritation sa paulit-ulit, kasi alam naman natin na may deeper intention or ini-insinuate, kaya pinapaulit-ulit siya. Tsaka hindi lang siya simpleng paulit-ulit, it's actually disregarding yung sinasabi mo kahit pa nasa tama ka at it's an explanation from the drs din yung sinasabi mo. Yung dina-diagnose yung anak mo kahit clear na nga yung cause. Making decisions on what she think is best for your child without asking for your opinion as the mother. If you want to avoid conflict, I have something to share that I learned in dealing with my own in-laws. 1. Ini-involve ko yung husband ko on anything that concerns our child. Mula sa maliliit hanggang sa malalaki. Like sa pagiging pawisin ng newborn, bakit sila pawisin sa ulo, bakit sa ulo lang pinapawisan, at bakit kailangan naka-electric fan lagi, and sinasama ko sa monthly vaccine para may idea siya. 2. Naging open ako sa husband ko about everything that's bothering me concerning sa anak namin. After niya maging involve sa anak namin, lahat ng issue ko sa mga advices ng mother niya sini-share ko. Hindi in a way na parang ina-attack ko mother niya, at minamasama ko mother niya. Pero in a way na ina-acknowledge yung care ni MIL but unfortunately hindi siya helpful or applicable. Like sa pawis, yes she have advices out of care pero hindi siya helpful since mas lalo lang nagiging irritated si baby. And since may knowledge na si husband about sa pawis mas madali sakaniya maintindihan yung issues. 3. After nun I let my husband explain things to her own mother. At first ako yung nagi-stand up para samin para narin i-prove na although I'm FTM I'm not ignorant. Pero by doing that nasasaktan ko ego ni MIL ka hinayaan ko na husband ko mag explain sakaniya. Kung stubborn ang mother niya sila na mag-ina magtalo, at kapag galing sa anak nila hindi nila minamasama, unlike kapag galing sa DIL. Magmumuka kang masama dahil hindi mo sinunod yung advice nila na ikabu"buti" naman sa anak mo. 4. Protect your peace. Kung ayaw makinig sayo wag mo pansinin gawin mo parin need mo gawin as a mother. Wag ka makipag power struggle kay MIL since temporary ka lang naman dyan. Yun lang, I hope makatulong.

Magbasa pa
1y ago

Haha te ganyan din ginawa ko 🤣 pero matigas talaga MIL ko. Parang sirang plakang paulit2 nalang, yung asawa ko nagagalit di kasi nakikinig. Sya matanda kaya sya yung may alam sa lahat. Ang turing nya kasi samin mga bata pa walang experience sa buhay. Buti nalang at nakabukod kami at di na sya masyadong welcome sa bahay. Mahirap pero kakayanin kahit ilang beses kanang ginawan ng istorya. Pa victim at story maker pa. Hahah. Never syang nagkakamali. Walang sorry sorry din, di kasi uso sakanya. Pag may problema parang wala lang sakanya nangyari. Feel ko sasabog ako sa ganitong ugali ng MiL ko. Kahit ang sakit sa dibdib tiis nalang. Wala eh ganun daw talaga sya ever since. Blocked sya sa fb ko and I don’t talk to her na masyado. Pwede lang siya bumisita sa bahay pag andito anak nya.

Hindi In-laws ko ang problema kundi Pamilya ko, Mother Side ko. Na diagnose ang baby ko sa sakit na Alpha Thalassemia through Genes at mana mana daw pero paulit ulit akong sinisisi ng Pamilya ko kesyo Nagha halfbath daw ko sa gabi (Lukewarm ang pinang ha-halfbath ko), Lagi daw ako nagce cellphone (Connect nun?), Dapat daw ganto, ganyan at nakinig ako sa kanila, Lalo na ang Lola ko na kung makaasta parang pinapalamon kaming Pamilya. Hindi ako makapag pigil at minsan nasasagot ko pero the way na Nage explain lang ako pero nakakarating sa buong angkan namin na binabastos ko daw sya at gumagawa pa sya ng mga kwento kwento. Stress na ako sa nangyayari lalo na't May sakit ang baby ko pero lalo nila akong trini-trigger pero di ko na sila pinapansin, wag lang akong makakarinig ng masasakit na salita tungkol sa baby ko at baka Magkasala ako ng tuluyan at baka sunugin ko bahay nila. Chaaarrr! 😅🤟

Magbasa pa

may i just add lng po. i think another factor that affects us is tlgang extra sensitive din tayo pag bagong panganak, dagdag pa dun kung first time mom ka at nangangapa kpa sa pagka nanay. plus kulang pa tayo sa tulog hehe kaya kahit tayo fussy din. hehe i acknowledge that ur feelings are valid mi, pero hbang nasa puder tayo ng MIL naten wala tayong mgagawa kundi respetuhin sila. inis na inis din ako nung newborn si LO kase daming pamahiin, pero ganun tlga nakiki tira lng tayo hehe bawi n lng tayo pag nasa sariling bahay na tayo. hbang nandyan p kayo pwede ka nman po magshare ng sentiments mo sa husband mo para lng may malabasan ka ng nararamdaman mo. laban lng mi kaya naten to

Magbasa pa

Alam nyu guys respect nlg ntin mga MIL natin hanggat nasa puder pa nila tayu o kahit wala na kase magulang yan ng mga asawa natin, so kung mahal mo ang asawa mo mahalin mo rin ang pamilya nya. Maybe communicate it to your husband para din alam mo yun ma inform ka if ganun ba talaga si mother nya concern lang o overthinker ganun kse sguro ganun talaga pag nagiging lola at lolo na eh! Kesa magisip tayu ng masama sa mga MIL natin, maybe turn your head into thinking na concern lng din talaga sila pero sympre communication is the key, makipag usap sa MIL pra masabe mo din naman yung side mo. Pangit kse yung nagtatanim ng sama ng loob sge ka baka sumabog ka mahirap na!

Magbasa pa

Same po, kahit alam ko naman na concern lang MIL ko sa baby minsan nakakairita yung madaming naririnig hahahuhu. Sa akin naman tungkol sa pagbe breastfeed, laging sinasabi baka kulang ang breastmilk ko. Harmless na mga salita pag isang beses lang, pero pag paulit ulit nakaka asar. Normal yung sa halak after milk tas hindi pa napapa burp si baby. Ipaburp mo lang siya ng ipaburp hanggang mawala yung halak. Walang kinalaman yung pusa doon. Dapat yung asawa mo pumapagitna diyan. Lalo na if di ka sanay magreason out. Pero if ganun pa din deadmahin na lang natin lol. Kakapagod mag alaga ng newborn tas dadagdag pa sila.

Magbasa pa

Hi mamsh. Yes normal naman po nararamdaman mo lalo na pag lagi ka nakakarinig ng unsolicited advice from your MIL. Same issue din sa MIL ko ayaw malamigan yung anak ko kaloka 🤣 kahit ang init2 at pawis na. Dami pa kuda lahit nung may fever anak ko sinumbong ako sa asawa ko na di ko raw nilagyan ng blanket(winter blanket ) eh gaga ang init2 ng bata hay. Alam mo te mas ok na bumukod kayo. Nakaka stressed ganyan mga tao kala mo alam na nila lahat. Ask your doctor about kay baby para masabi mo rin kay mil mo na hindi dahil sa cat mo nang malinawagan sya.

Magbasa pa

tek na mga MIL yan!!!! AHAHAHA. same same. i feel you momsh. haissssttt ...

Mas mainam magbukod na lang kayo..

mag bukod ka mi.