Sapat na dahilan ba ang mga anak para hindi maghiwalay ang hindi magkasundo na mag-asawa?

Bakit oo or hindi?
Bakit oo or hindi?
Voice your Opinion
YES
NO

1907 responses

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

NO. ang problema ng mag asawa hanggat maaaring maayos, ayusin. pero kung wala na talaga at palaging nag aaway, mas mabuti na maghiwalay na lang. pag usapan na lang ang responsibility sa bata. mas magiging traumatic sa bata kung ipipilit pa ang hindi na kaya maayos. isa kase sa kanila na magulang dinadahilan na para sa bata hindi makikipag hiwalay. thats a lame and selfish excuse na para sa bata eh ayaw na makipag hiwalay. naiisip ba nila ang nararamdaman ng bata tuwing magaaway sila? basta make sure na pag naghiwalay dapat ipaintindi sa bata kung ano ang reason ano ang set up ano ang nangyayare.

Magbasa pa

hindi magandang lumalaki ang bata na laging nagtatalo or nag aaway ang both parents nya....better maghiwalay nalang ang be friends for the sake of child...pag usapan na minsan minsan they need to bond together outside for keeping thier relations to the child at least mas madali ipaliwanag ang sitwasyon why they separated one another at madali din naman yun maintindihan ng child lalo na kapag both parents keep thier bond to thier child even they are separated...wag lang ipagdamot ng bawat isa ang oras sa pag ganap ng bawat isa ng kanilang responsibilidad.

Magbasa pa
VIP Member

Actually, Sapat na dahilan ang anak para hindi mag hilaway ang mag asawa pero sapat dn na dahilan ang anak para mag hiwalay na ang mag asawa. Because us, being a parents it is our responsibility kung anu ang makakabuti para sa mga anak natin. Tapos na tayo mamili kung sinu makakasama natin. This is the time na pilian naman natin ang mga anak natin kung anu makakabuti sa kanila. So, it is depend on the situation. :)

Magbasa pa

Pilitin na isang alang alang ang mga anak . pero kung ndi na talaga maayos mas maganda siguro na mag hiwalay na lang dahil nararamdaman din nng nga bata pag ndi okay ang mga parents pag walang saya at love sa both sides naapektohan ang bata ndi lang nten nalalaman kase nakafocuse tau minsan sa nararamdaman nten without knowing na kahit bata pa sila nararamdaman nila tayo .

Magbasa pa

A toxic household wouldn't be healthy for anyone, especially the kid. Personally, kung umabot na sa point na magkakahiwalayan na talaga at wala nang pag-asang maayos ang relasyon, go na. Better to be separated and remain civil para maayos ang co-parenting, kaysa magkasama nga pero hindi naman maganda ang nakikita ng mga bata.

Magbasa pa
VIP Member

kulang sa pag uusap ang ganiyang mag asawa, yes malaking dahilan na wag sila maghiwalay kasi kung mag iusap sila nang matino mag kakaayos sila ara sa binuo nilang pamilya, pero may iilan na mas gusto maghanap ng bago kaysa iayos ang pamilyang binuo tsk tsk .. kalat lahi lang want tsk... wag matamaan ha comment ko to😉

Magbasa pa

kasi po, kung ang mag asawa ay hindi na magkasundo mas maapektuhan ang bata kasi laging nag aaway nawawalan ng respeto sa isat isa.. kung mag hihiwalay naman makaka apekto din pero kung maayos pag hihiwalay para sa bata mas okay un kesa makita laging nag aaway at wala ng respeto.

VIP Member

Ang mga anak ay pwedeng maging isa sa dahilan para ayusin ng mag-asawa ang pagsasama nila pero hindi sapat na dahilan para maging rason para pilitin pa ang pagsasama kung hindi na talaga nila kayang ayusin kahit ginawa na nila ang lahat para subukang ayusin ang pagsasama nila.

para sakin hindi sapat na dahilan para mag stay sa relasyon ang mag asawa nang dahilsa mga anak,mas masama ang epekto sa paglaki ng bata ang nakikitang nag aaway ang mga magulang...kung hindi man ay yun nararamdaman nyang hind masaya sang kaniyang mga magulang.

minsan kase isa din sa dahilan yung mga anak kaya Tayo napipilitang makipag hiwalay, dahil iniisip din natin future nila Kung magiging maganda ba Kung patuloy kang makikisama sa ama nila na di kayang iprovide lahat ng needs nyo at walang pangarap sa buhay.