Aiza Marie Magallon profile icon
PlatinumPlatinum

Aiza Marie Magallon, Philippines

Contributor

About Aiza Marie Magallon

A first time mom

My Orders
Posts(9)
Replies(44)
Articles(0)

Hard headed Padedemom

Hard headed Padedemom🤱🏻 Sa circle of family namin. Walang nag susupport sakin sa pag papa breastfeed ko kay Quil. They always want me to stop breastfeeding kasi hindi daw maganda. Lalo na pag isa samin mag kasakit, kawawa daw ang bata kasi bawal padedehin. But I already did my research regarding breastfeeding and tried to educate them also, as I educate myself. But no one listen coz you are a first time mom at sila madami ng mga anak na naalagaan. Madami na silang anak sabi nila, kaya dapat sa kanila ako nakikinig. Kahit sinabi ko na na doctor nag sasabi ng ganito ganyan, sasabihin lang sayo ganyan talaga ang mga doctor pero sila madami ng experiences. Naalala ko dati, nung newborn pa si Quil. Pinipilit nila akong mag stop sa pag papabreastfeed kasi daw wala daw gatas na lumalabas skin kaya panay yung iyak ng baby ko. Una hindi ako nakikinig sa kanila kahit onti palang alam ko sa pag papabreastfeed ang alam ko palang nun good sya. Pero binababa nila si Quil kasi hindi ako nakakasunod saka nila pinapadede ng formula ibabalik or iaakyat lang nila pag busog na, I cant do anything specially CS ako. So, isang araw dn kaming ganun ang set up. Thank God, Yung pangatlong araw namin na stay sa bahay from hospital. Dun nako nag kasakit, sobrang sakit ng dede ko n para bang malalaglag or mapuputol sa sobrang engorge at nilagnat ako na nagchchill ako and then my partner contacted my Ob. Kala namin nag ka covid ako. He said all the symptoms na sobrang sakit ng dede ko, at nilalagnat kamo ako. Ang sabi ng OB, padedehin ko lang daw yung baby and try to pump to lessen the milk na nastock. And then ayun, okay nako after doing what the Ob has instructed. Dun na mas lalong lumakas ang loob ko mag pa breastfeed kahit paulit ulit sila nag sasabi sakin na kahit imixfeed ko nalang daw si Quil. Kahit Cs ako nun, I always make sure na pag ibababa nila anak ko is bababa dn ako kasama sya( kahit masakit pa tahi ko, pero nakatulong din yun as exercise) at aakyat kasama sya. Hindi ko na hiniwalay ang anak ko sakin. And did a lot of research about breastfeeding. I read a lot of research regarding the benefits of breastfeeding and how it really works. Here's a list of thing that I think na nakatulong sakin in our breastfeeding journey. - [ ] Breastfeeding works as demand and supply. Means, the more na nag papadede ka the more na ddami ang supply ng gatas na lalabas sayo. Example nalang pag newborn pa ang baby. Kaya iniisip ng iba na wala kng gatas or onti palang gatas mo is dahil wala pa naman talaga masyadong lalabas dyan dahil wala pa namN masyadong dumedede sayo kaya do not expect na mag ooverflow agad ang gatas mo. Kaya unlilatch lang kay baby pra dumami supply ng gatas mo sabayan mo ng pumping but very careful baka mag over supply ka. Like what happen to me, cause dn kaya ako nilagnat nun kasi pump ako ng pump nun mula firstday at home nag stop lang ako nun after 2 1/2 days kasi 2-3 oz lang lumalabas. Kaya ayun after ilang oras lang hindi nag latch sakin si Quil sobrang nag engorge agad dede ko at nilagnat ako dahil nag over supply yung milk ko. Kasi my body boobs remembered na ganun kadami dapat ang supply na irerelease ko kasi yun ang didemand ng nasa labas( which is my baby and the pumping) - [ ] More water and stay hydrated, napapansin ko sobrang bigat ng dede ko pag umiinom ako ng madaming tubig. Hindi talaga ako mainom ng tubig kaya pag kumakain ako ng spicy dun nako napapainom ng madami and nakikita ko agad ang difference ng hindi masyado pag iinom ng water at pag nakakainom ako ng madming water. - [ ] Kaya panay ang iyak ng baby natin pag newborn pa. Or kung bkit palaging gutom kahit kakapadede palang natin is hindi dahil sa wala tayong gatas or onti lang ang gatas natin. Kundi dahil mas mabilis matunaw ang breastmilk natin* in my opinion *dahil konti plng namn ang nilalatch nila kaya mabilis lang tunawin like 1-2hours gutom na ulit si baby and maliit palang ang tummy nila. Kaya madalas mo tlga sila maririnig umiyak. - [ ] Our breastmilk contains a lot of nutrients and antibodies maliban sa Vitamin D. Pansin nyo naman siguro sa mga hospital. Pag may sakit ang mga baby specially mga newborn babies. Palaging pinag hahanap ang mga parents or guardians ng mga breastmilk donor kasi pinag babawal ang formula sa mga newborn na may sakit. Come to thin of it and ask bakit kaya? - [ ] Sudden infant death syndrome (SIDS). Breastfeeding is linked to a reduced risk of SIDS, especially when breastfeeding exclusively. Source: healthline.com 13months na akong padede mom until now naririnig ko pa din na iformula ko na ang anak ko(nag bibigay pa sila ng mga gatas) but I dont have plan to stop yet. I just want to open this specially sa ibang mga mommies na nakakaranas ng discouragement sa paligid dhil sa pag papadede and also sa mga new mommy na katulad ko na gusto ipush ang pag papadede. Tigasan lang natin mga ulo natin sa mga sinasabi ng iba hahahhah. #padedemom #breastfeedingjourney #firstbaby

Read more
Hard headed Padedemom
 profile icon
Write a reply