Ang hirap makisama

An hirap pala talaga ano, na parang ibang tao ka sa sarili mong bahay. Yung ikaw yung "The Chosen One". Na kahit buntis ka, ikaw yung gumagawa ng gawaing bahay. Na nakikita mo yung mga kapatid mong nakahilata, "mabuti pa sila isusubo na lang lahat". Na ikaw din yung inuusig magbigay ng sustento dahil ikaw yung "mas" nakakaangat at mas matalino. Na ang bigat sa loob makiusap. Na parang pag nakiusap ka, ipaparamdam sa'yo na choice mo kung ano ka ngayon. Kaya kayo, hangga't kaya nyong bumukod, gawin nyo. :)

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Siguro depende rin sa magulang talaga, sis. In my case super swerte ko kasi sa family ko. Never nila pinaramdam sakin na failure ako or palamunin ako kahit nabuntis ako agad pagkagraduate ko. Si mama, binibili at nilulutuan nya ako ng foods na gusto ko. Super blessed ko kasi mahal nila ako. Yun nga lang, di swerte sa partner hehehe pero okay na yun. At least during these times, nalaman ko kung sino yung nandyan talaga para sa akin. Kaya mo yan sis. I'll pray for you.

Magbasa pa