For all mommys

Mga mommy's, san kayo mas komportable tumira sa bahay ng byenan mo o mas gusto mong bumukod ng sarili nyong bahay?

162 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay naman ako dito sa kanila. Pero 100% gusto ko talagang bumukod. Gusto ko kasi ako nag fidisisyon sa ulam ako, may sarili kami kwarto ako makakpag desisyon ng lahat. Controlado ko lahat, lahat ng kalat ako mag aayos at pwede din tamadjn minsan. Gusto ko makapag ayos ng bahay mag decorate, dito kasi da kanila kahit gusto ko mag ayos eh makalat padin kasi syempre mga gamit nila to eh at ayaw pa nila alisin yung mga di na ginagamit. Ewan naguguluhan ako Hahahaha kubg may pera na bubukod na talaga ako, yun ang Goal ko☺️ Goal namin ng Asawa ko.

Magbasa pa
VIP Member

Bubukod sis! Hahaha. Plano na agad namin yan ng partner ko. Manganganak ako ng December salitan kami ng bahay na titirhan sa side ko at side nya para masulit nila yung apo nila. By February 2021 hopefully wala ng pandemic para makahanap na kami ng bahay. Hahahaha. Ayaw kong may makikialaam kasi sa mga desisyon namin lalo sa anak namin at ofcourse mas mag ggrow kami mag partner pag nasa solo kaming bahay.

Magbasa pa
4y ago

True sis.. Mas okay kasi makakapag decide kayo ng partner mo

VIP Member

Nakabukod, para alam mo kung anong wala sa loob ng bahay mo, alam mo kung hanggang saan ang kaya ng budget at higit sa lahat wala kang ibang pakikisamahan kundi asawa mo lang. Kung nakapisan ka sa magulang o sa byenan mahirap bukod sa makikisama ka minsan di mo maiwasan na limitado ang kilos mo. Sa budget imbes na para lang sayo sa asawa mo at sa mga anak mo iisipin mo parin ang extended family.

Magbasa pa

Sa situation po namin makitira po. Kasi napaka open namn ng parents ni Hubby. Tapos mas gusto nila na kasam kami sa bahay panganay pa naman nila si Hubby. Wala naman problema sa kanila at anak na tlga ang turing nila sakin kasi simula senior high lagi na akong andito sa kanila tapos hanggang sa nagka work dito na rin nila ako pinatira.

Magbasa pa

kung kaya naman bukod na kayo sa umpisa palang, atleast my sarilinkang rules, unlike kapag nakitira ka wala kayo magagawa kahit may shares kayo sila parin ang nasusunod, and siympre mas dun kayo matututo once na nakabukod na kayo💕 kasi for me mas dun niyo mararamdaman na pamilya na kayo na sarili na kayong pamilya.

Magbasa pa

Bumukod momsh.. Sabi nga diba "my house, my rules." pag nasa in laws or parents ka, rules nila susundin mo.. So definitely, hindi ka makakapag desisyon on your own.. Lalo pagdating sa pag di discipline ng anak mo. Usually kasi pag pinagalitan mo anak mo or pinagsabihan, ang takbo sa mga lola at lolo..

Magbasa pa

Mas ok sana bumukod . Kaso kasi napag usapan na nila kay hubby ko nila papamana tong bahay kaya no choice din ako. Basta nakikisama at ginagawa ko nalang lahat ng trabaho gat kaya ko. Ayaw ko din iwan hubby ko dito para dun ako sa bahay mag stay kasi work na sya gusto nya nandito ako mag asikaso sa kanya.

Magbasa pa

my husband and I are blessed to have our own house even before we got married. And I prefer it that way, have no issues with my in-laws naman pero iba pa din yung freely namin nagagawa gusto namin. Tho I admit that now we have our baby mahirap din pala kasi walang help. Its just me and my husband.

currently, nasa bahay kami ng biyenan ko. malapit na kasi ako manganak and ftm. so mas preferred namin na may makasamang iba lalo na pag lumabas na si baby. okay naman mga in laws ko, maalaga sila (only apo nila kasi to kasi only child asawa ko) but, mas preferred ko pa rin ang nakabukod. Ikaw ang queen ng tahanan.

Magbasa pa

Nakabukod po.. Though kapitbahay namin mga in laws ko hehe ok din naman na near sila kasi pag may need kayo may magsupport agad sa inyo. Ok naman din ako sa mga in laws ko pero syempre iba pa din nakabukod. Maka diskarte kayo mag asawa and may privacy 😊