13 weeks

Hirap na hirap napo ako?? Kada kain ko suka ako ng suka, Suka para makadighay, Nabibigatan napo ako na hindi po ako makahinga pinipilit ko po wag sumuka pero hindi kopo talaga kaya ?? ang baba napo ng timbang ko please helppp

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi! Things will get better soon tiwala lang! Honestly, most recommended ko na magpa-consult ka sa doctor kung ano ang magandang diet plan para makasurvive sa nausea phase. Kasi kahit suka ng suka dapat may laman pa rin ang sikmura natin. But if I will base my advice for you on my experience, na-manage ko masurvive yung phase na iyan by managing how i eat. Kapag alam kong mabubusog na ako, it means, hanggang dun lang ang kakainin ko. Kahit sabihin pa na, konti pa lang nakakain ko. Iwas ako sa heavy meals. Paunti-unti lang pero madalas (I eat in small portions, mga four to five times a day). It helps to take some naps and sleep early too, kasi kapag tulog ako, hindi ako inaatake ng nausea. Another thing that helped me is drinking lots of water. May times na kailangan natin sumurrender talaga at magsuka kapag nasusuka, pero mas less painful ang pagsusuka kung may laman ang tiyan at maraming water sa katawan kaysa wala. Naranasan ko kasi magsuka ng walang laman ang tiyan at kulang sa tubig-- mas masama sa pakiramdam. Around 14th week mawawala na rin yan. Kapit lang dahil 13th week mo na pala. 🤗

Magbasa pa

hi po... pagkakain ka po, unti lang rice mo kainin... tapoz after 1 oras pag mjo nasakit tyan ibig sabihin gutom na c baby, kain ka sakto tinapay lang khit oras oras ka kain.. .. bsta wag ka magpapakabusog para hndi ka magsuka.. ganyan din po ako dti naobservabahan ko pag busog ako sa kanin🤮 yan na kasunod.tapos kada oras nsakit tyan ko, gutom pala c baby kaya kumakain ako, tinapay suko na nga panga ko kaka kain ng kada oras nun eh.. kahit isang plastic sky flakes(3pcs), o fudgee, ganon lang ok na un.. ngaun d na ganyan katakaw c baby, pero unti parin ako magkanin 🤮 pag nbusog ehh...

Magbasa pa
VIP Member

Ganyan po talaga pag 1st trimester na pwede pa umabot hanggang 2nd trimester mo. Kaylangan mo lang unti unti ka kumaen pero madalas para kahit kunti lang makaen mo wala ka masyado masusuka tas pag ok na ulet after ka sumuka kaen ka ulet kahit kunti. Kaylangan mo kase kumaen ng kumaen para may nakukuhang nutrients si baby sayo at di masyado maapektuhan yung timbang mo. Ganyan po ginawa ko nung 1st tri ko na na pati si mister ko nahihirapan saken kung anong pagkaen ibibigay saken at di naman ako pinapabayaan kase papakainin niya ako kahit natatakot na ako sumuka ng sumuka.

Magbasa pa

Ganyan ako sis nung 1st pregnancy ko as in whole day suka ako halos wala na akong nakaka in Skyflakes lang para matanggal acid sa tyan. Ngaung 2nd pregnancy ko hindi na masyado kasi alam ko na yung ayaw kong maamoy para mag trigger yung pagsusuka ko. Need mo lang din siguro hanapan kung anong hinahanap ng panlasa mo. Malalagpasan mo din yan sis.

Magbasa pa

na experience ko din to sis . bukng araw kahit wala na food sa tyan ko suka padin . ung feeling na iyak ka nalang kasi suka ka ng suka tas gusto mo kumain wala kana gana ..kung napakain k namn suka molang din .. 4months imung naalid sis ... kain kalang konti konti para may foodbpadin tyan mo at di maxado mangasim.

Magbasa pa

Ganyan din ako sa pangalawa ko, until 6months tyan ko, sa awa ng diyos nakasurvive naman ako. Tell mo sa ob mo baka kasi nasa vit na binigay sau or iwasan mo na lng ung mga bagay o food na nakakapagtriger ng suka mo.

Sis ganyan di ako dati. Wag ka mag alala lilipas din yan. Konti lang palagi kainin mo, mga 2-3 kutsara lang tapos after mga 2 hrs kain ka ulit biscuit naman. Bumaba din timbang ko. Lipas din yan. Tiwala lang 😇

Ok lng Yan mommy ganyan din ako dati sobra payat ko na first trimester mo p ksi. Second trimester Wala n Yan . Ako tumaba ako ulet third tri ko na. Piliin mo lng mga hiyang sayo pati nagpapakomportable sayo.

Ganyan din ako mula first trimester till now na manga-nganak na. Pag medyo nabusog sinusuka ko para gumaan pakiramdam. Normal lang yan mamsh. Basta wag ka masyado paka busog and stay hydrated.

Ask nyo po OB nyo, ganyan din po ako dati.. Hanggang sa niresetahan ako ng OB ko ng gamot... Ayun po naging okay naman na po ako...

Related Articles