13 weeks
Hirap na hirap napo ako?? Kada kain ko suka ako ng suka, Suka para makadighay, Nabibigatan napo ako na hindi po ako makahinga pinipilit ko po wag sumuka pero hindi kopo talaga kaya ?? ang baba napo ng timbang ko please helppp

Hi! Things will get better soon tiwala lang! Honestly, most recommended ko na magpa-consult ka sa doctor kung ano ang magandang diet plan para makasurvive sa nausea phase. Kasi kahit suka ng suka dapat may laman pa rin ang sikmura natin. But if I will base my advice for you on my experience, na-manage ko masurvive yung phase na iyan by managing how i eat. Kapag alam kong mabubusog na ako, it means, hanggang dun lang ang kakainin ko. Kahit sabihin pa na, konti pa lang nakakain ko. Iwas ako sa heavy meals. Paunti-unti lang pero madalas (I eat in small portions, mga four to five times a day). It helps to take some naps and sleep early too, kasi kapag tulog ako, hindi ako inaatake ng nausea. Another thing that helped me is drinking lots of water. May times na kailangan natin sumurrender talaga at magsuka kapag nasusuka, pero mas less painful ang pagsusuka kung may laman ang tiyan at maraming water sa katawan kaysa wala. Naranasan ko kasi magsuka ng walang laman ang tiyan at kulang sa tubig-- mas masama sa pakiramdam. Around 14th week mawawala na rin yan. Kapit lang dahil 13th week mo na pala. 🤗
Magbasa pa