637 Replies
My hormonal imbalance kasi ako so parang normal na sakin na delay ako. Bumiyahe pa kami nun ng asawa ko pa Bongabon, Nueva Ecija from Bulacan na nka motor lang. That was January 18. sympre tagtag. at lakas ko magkape yung usual na 3 cups a day ako mag kape. as in matapang ako magtimpla. Come Feb. 06 wala pa din ako mens nagpacheck up na kami. Pinag PT ako ni OB. sabi nya "congrats! Positive!" hindi ako makapaniwala nun. Naisip ko mga past weeks na hnd ako nag iingat dahil hnd ko alam. Nag worry ako at the same time kasi baka magka problem. Pero ang dami nagsabi para samin tlga mag asawa yung baby namin dahil makapit.. So dun palang ako nag take ng mga prenatal vitamins ko. Feb. 13 TransV ko, dun namin nlaman na 7weeks and 3 days sya. So very delicate yung mga panahon na hnd ko alam nabubuo sya yet hnd ako nag iingat. In God's protection, he guided and protect our baby. Now I am on my 3rd Trimester and due on Sept. Pray for us to have a normal and safe delivery samin ni baby! π Hope all mama and mama-to-be like me are all well too. Take care everyone! ππ€
opo uminom po ako ng paracetomol para makatulog dahil may insomnia po ako. natigil lang a week after ng do namin ng partner ko dahil siguro naging antukin nako mula work hanggang sa pag uwi. at nakainom din po ako ng pang breast enhancement kasi magkikita kmi ng partner ko pag ka next month. huling pagkikita na sana namin yun at magmomove on nako. π€£ so ayun ang gusto ko eh be at my best sa huling pagkikita namin. natigil ko na ang pag inom nun nung nakakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at parang isusuka ko na yung supplement na iniinom ko. buti nung nagpaultrasound ako walang naging complications na nakita kay baby. at di din naman ako nagkaroon ng spotting while taking those medicines and supplements. so maybe yung nainom kong breast enhancement is safe sa buntis. pero di ko parin na pinagpatuloy nung naging positive pagcheck ko.
oo.. ung 1st month ko n lagi ako sinisikmura, naggagamot ako ng kremil s binigay ng papa ko. salabat nman ang binigay ng byenan ko.. tpos buntis n pala ako nung nagwensha kami, hard yung massage kasama n ung tyan , tpos nagviking sa starcity. tpos mga 2nd month, dahil d nga tlaga maganda ang pakiramdam ko, at d ako nadatnan (irreg kasi kya d ko din mamonitor), nagpasya ako magpt, ngpabili ako s husband ko, at yun, positive! nangibabaw ang saya, at takot dhil maraming nagawang d tama.. pero thank God, at wlang nangyari, lumabas ang baby ko at 6months n sya ngayon at napakahealthy at bibo
I smoke. Gumagamit ako ng rejuv. 3-4x akong nagpableach/change hair color. Gala here, gala thereπ. Kinakain ko lahaaaat ng gusto ko kasama na dun mga bawal like crabs. Milk tea almost everydayπ Nagtry ako magpt ng ilang beses pero negative naman. 20 weeks na nung nagpunta ako sa Ob at ayun dun plng namin nalaman na preggy nga ako hahaha. Kaya ayun, dami prob, anemic, gdm, low-lying placenta, breech baby. Buti nlng umokay lahat ng prob pagdating ng 36weeks kaya nakapanganak ng normal sa lying inβ€οΈ Shoutout sa medic pt ng mercury jusmio lahat negative resultπ
January hindi na ako dinatnan pero tuloy padin ako sa pag inom everyday nag yoyosi pa kahit regular naman mens ko, nag decide na akong mag pt noong February 7 nag positive dalawang beses . Hindi ko ma-explain kung gano ako kasaya noong narinig ko heartbeat ni baby sa first ultrasound ko . Hindi ko ineexpect na buntis na ako , nakunan kasi ako noong 2017 sa first baby namin ng bf ko, thanks god 25weeks preggy na ako ngayon and sobrang saya ko kahit madaming pagbabago at pain na nararamdaman sa katawan ko. Hopefully safe and healthy si baby π§
January hindi na ako dinatnan pero tuloy padin ako sa pag inom everyday nag yoyosi pa kahit regular naman mens ko, nag decide na akong mag pt noong February 7 nag positive dalawang beses . Hindi ko ma-explain kung gano ako kasaya noong narinig ko heartbeat ni baby sa first ultrasound ko . Hindi ko ineexpect na buntis na ako , nakunan kasi ako noong 2017 sa first baby namin ng bf ko, thanks god 25weeks preggy na ako ngayon and sobrang saya ko kahit madaming pagbabago at pain na nararamdaman sa katawan ko. Hopefully safe and healthy si baby
lagi akong nagbabackride sa motor at nabyahe ng mga longrides , naglalaba ng pagkadami dami at nagbubuhat tapos mga 2 months na d ko pa alam na preggy ako kasi nga may PCOS ako so parang normal lang na masakit lahat sakin pero ang di ko maintindihan napaka horny ko ( which is not normal dahil kadalasan nga natanggi ako ) to the point na everyday gusto ko may contact kami ng bf ko ( pabor naman sa kanya ) at ang worst gusto ko yung sobrang hard at rough buti nalang makapit si baby ππ
yes.. uminom ako ng alak nun tapos panay puyat at panay exercise ako ng abs at nagbubuhat den ako mabigat na dumbell.. pinaka malala nakainok ako ng gamot para daw iwas covid yun ay Ivermectin naka 5pcs ako inom nun huhuhu sana wala effect kay baby.. di ko kasi alam na preggy na pala ako ng 8weeks nun.. kaya pala nung nagdo kami masakit sa puson sobra.. siguro mababa na si baby nun.. kaya naagapan pinainom ako ng doc ko ng duphaston 2x aday now thank God kasi ne minsan di ako dinugo im 20weeks na baby girl daw po hehehe...
Opo, nakainom ako ng vitamins for review and one time for slimming pill pero di ko na naulit yung slimming pill, tapos puro ako bike, tamang buhat ng bike akyat baba ng 4th floor kasi nasa 4th floor kami nakatira. Dagdag pa non, palagi puno back pack ko kasi palagi ako namamalengke, nangingibang barangay pa ako. Kasi bike is life. π Tsaka ko na nalaman na buntis ako na, napansin ko di nga pala ako ni regla ng March π then nag Pt. Ayun nga confirmed. Sana ayos lang si baby. First trimester ko pa lang po now.
Yes, nagmotor ako tapos nagbubuhat ng mabigat hilig ko kasi mag ayos ayos ng pwesto ng gamit sa bahay. Inom ako ng inom ng pineapple in can, bawal pala yun pag 1st trimester ka nakakalaglag daw ng baby. Mahilig ako sa mga raw food, which is bawal pala tlga. Tapos nalaman kong buntis pala ako nagpacheck up agad ako natakot ako sa sinabi ng doctor hndi daw makapit yung baby ang dami daw bleed. After nun ginamot ko tapos naging maingat na ko. :)