Pakiramdam mo ba ay walang nakakaintindi sa iyong sitwasyon ngayong buntis/magulang ka?

Well, hindi na ngayon. Welcome sa Birth Club Hunyo 2022 Lahat ng nandito ay nasa parehong sitwasyon mo. Kaya naman malaya kang makapagtatanong. Ibahagi ang iyong mga karanasan para makatulong sa iba. Magkaroon ng bagong kaibigan At ang pinakamahalaga sa lahat, ‘wag kalimutang magsaya Dahil mas masaya ang iyong pagbubuntis at pagiging magulang kapag may suporta galing sa mga taong nakapaligid sa’yo!

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mga bayaw namin sinisiraan kami sa mga magulang namin asawa ng ate ko at ate ko sinisiraan kami sa nnay ko para sila lang ang suportahan ganun din kuya ng asawa ko pati bayaw nya sinisiraan din kami sa magulang nila. wala naman kaming plano umasa gaya nila pero parang inaagapan na nila kasi noon gusto kami ng kanya kanya naming magulang at mga kapatid. nakunan ako 2020 unang anak namin first baby girl na apo sana ng magulang ko at magulang ng asawa ko kaso sinulsulan sila ng mga bayaw namin at kapatid kaya biglang nag iba yung awra nila saamin. ngayon buntis ulit ako at babae ulit hindi muna namin pina alam sa pamilya ng asawa ko baka kasi mang stress nanaman sila. dito naman sa pamilya ko di nila alam gender wala na din nman kami pakialamanan dito sa bahay.

Magbasa pa

Feeling ko simula nung nagbuntis ako wala naman nasiyahan sa pagbubuntis ko kundi ako lang. Pati sa family ng husband ko ngayon. May 1year old and 4months baby boy panganay ko. At ngayon buntis nanaman ako. Gusto sana ng bayaw ko is magbubuntis ulit ako pag 3 to 4 years old na ang panganay ko. Kaya nung sinabi namin sakanila na buntis ako sa pangalawa parang hindi sila happy😞😞 kaya sobrang stress ko ngayon

Magbasa pa

Gusto ko umiyak ng umiyak pero iniisip ko ang bata sa tyan ko. Sobrang stress ko madami ako naiisip. Yung husband ko parang wala na syang pake sa nararamdaman ko 😭😭 parang ako lang yung may pasan parang ako lang mag isa 😔😔😔

3y ago

ganyan din ako ung husband ko walang care sakin sa Mga nararamdaman ko then ngayun super stress ako dahil sa mybpag dudugo akong nararanasan at gusto kona mag pa check up dahil nag aalala ako kay baby hindi ako makalapit sa parents ko dahil marami silang Problema ayoko na sumabay pa sakanila 😥?

Super Mum

nice! no more need for gc preggy mommas here's ypur birthclub!💙❤