Pakiramdam mo ba ay walang nakakaintindi sa iyong sitwasyon ngayong buntis/magulang ka?
Well, hindi na ngayon. Welcome sa Birth Club Enero 2022 Lahat ng nandito ay nasa parehong sitwasyon mo. Kaya naman malaya kang makapagtatanong. Ibahagi ang iyong mga karanasan para makatulong sa iba. Magkaroon ng bagong kaibigan At ang pinakamahalaga sa lahat, ‘wag kalimutang magsaya Dahil mas masaya ang iyong pagbubuntis at pagiging magulang kapag may suporta galing sa mga taong nakapaligid sa’yo!
Hi po. sa ngayon excited ako na medyo kinakabahan at sana mag normal delivery ako, Gusto ko lang po ishare yung pinagaaalala ko ngayong buntis ako, dun yung pa 3 baby ko kase ay namatay sa loob ng tummy ko nagkaron siya ng hydrocepalus na CS ako Oct.16,2019 sa 2 kong nauna na anak ay parehas akong normal kaya ako na cs sa third baby ko kase namatay na siya sa loob. tpos sabe saken ng OB ko dina daw ako pede umanak ngayon ng normal need ko daw ma cs ulit kahit 2years and 3montha na ang nakalolipas nung ako ay ma cs. pero may mga nakausap ako na mga nagsasabe na midwife na malaki padin chance na mag normal ako. 😔
Magbasa paHello po mga mums, im 32 weeks nah,due na din by january, CS din ako sa una qng anak,... grabe yung moods q kasi kung mkaiyak aq wagas due to stress na walang umaagapay sa pag aalaga sa 1 year old ko, pero im trying my best na ideal yung stress q just for my bb inside my womb and sa panganay ko din.. Pa minsan naninigas na yung tummy q,minsan din nag kacramps,... Praying for us all na safe tau sa panganganak natin soon, and may all our babies healthy and normal lang sana lahat sa bb natin..God bless mga mommies
Magbasa paHi Jan Dues mommas same here! Super excited na 2nd baby ko na to andaling nasundan ng 1st ko 1 year gap .. medyo Hirap kasi ang kulit na ng 1 year old ko super kailangan talaga sunod ng sunod eii ang hirap pa naman kumilos pag malaki na tiyan... hehehe pero ayos lang Keri parin ganyan tlaga mga momsh! Kaya Aja aja lang tayo 2 months nalang din makakaraos din! Godbless us to all mommas out there 😘😘😘😘
Magbasa paHello mommies.. 28weeks preggy here. Excited na kong mag.january 😊. Last december nakunan ako sa pang 2nd baby ko dahil nakuryente ako. Nakakapanghinayang pero after ilang months, may blessing ulit ❤ Jan2022 na due date ko. Ang 1st child ko mag.9 na sa March 2022. Sana makaraos tayong lahat ng matiwasay. Goodluck satin mga mommies ❤❤
Magbasa paJan25,2022 due date ko. My 2nd baby, and baby boy naman. Baby girl ang panganay ko and na emergency CS ako, ngayon susubukan ko mag normal yung tinatawag nilang VBAC. Sana kayanin ko since 5 years old naman na din si eldest ko and wala naman anomaly before. 🥺🥺🥺 Emergency CS lang kasi dry na ang placenta 2 weeks before ng due date ko.
Magbasa paTeam January❤️ First baby din @ the age of 31 Back pain, knee pain, swollen hands, face and feet. Hirap na hirap na ako pero konting tiis na lang. 😟 Sa sobrang hindi komportable ng pakiramdam araw araw, nagkakamood swing talaga. Salamat sa Diyos at maunawain partner ko. Safe and healthy delivery to us Mommies. ❤️
Magbasa paJanuary 2022 due date here.. masaya na mahirap.. minsan umiiyak kapag napapagod na.. pero kakayanin para sa mga anak. lalong lalo na sa dinadala .. pilit padin pumapasok sa work para makaipon sa panganganak at panggastos . laban lang!!! kaya natin to
Jan due momma din. After 10 yrs hahaha! Para akong nanganganay uli. Starting over again lang ang peg. Praying for every momma to have a safe delivery. Sa 2nd child ko kc naranasan ko mag 50/50 chance ng survival ko. Di ko pa ata oras nung time na yun. 😊
supposed to be, nagbabar exam na sana ako this november habang preggy. tapos nareschedule sa Jan.16 to Feb.6, 2022 ang bar exam. kaso ang due date ko is Jan.22, 2022 so goodbye bar exam na muna siguro. di pa siguro ito ang tamang oras para sayo
team january here mga momsh....onting kembot na lng tayo excited na sa bb BOY ko 🥰🥰🥰pang 4th baby kuna may 3 prinsesa nako and finally magkka BOY na hope safe and healthy delivery to us team JANUARY 😘😘😘😘😘
Got a bun in the oven