"HINDI MADALING MAGING BREASTFEEDING MOM PERO KINAKAYA"
Kapag nagpapasuso ang isang ina, madalas silang maikumpara sa mga nanay na nagbibigay ng formula. Ang madalas sabihin ay "mas mahirap ang formula kasi kailangan pang tumayo at magtimpla ng gatas sa gabi at mahal ang gatas kaya masakit sa bulsa".
Unang una, hindi kasing dali ng inaakala ng ilan ang pagpapasuso. Hindi 'yun natatapos sa ilalabas mo lang ang boobs mo tapos tapos na.
Paano ba nasabing hindi madali ang magpasuso?
1. UBOS ANG ENERGY MO - Mauubos ang energy mo dahil kada kainin mo e napupunta sa anak mo. Kaya nga madalas magutom ang breastfeeding moms.
2. KAHIT KUMPLETO ANG TULOG MO, PARANG PAGOD NA PAGOD KA PAG GISING MO - Kahit kasi tulog ka e sususo at sususo ang anak mo. Minsan pa nga magdamag siyang sumususo kaya naman paggising mo parang lantang gulay ka at parang walang ganang bumangon.
3. DUMADAAN SA IBA'T IBANG CHALLENGES ANG BREASTFEEDING MOMS - Sa mga unang linggo pagkapanganak, nakakaranas ang breastfeeding moms ng pagsusugat ng nipples lalo na kapag hindi maayos ang pagsuso ng bata. May mga pagkakataon din na bumabara ang daluyan ng gatas at umaabot pa sa point na para siyang lalagnatin at tatrangkasuhin sa sobrang bigat ng boobs.
4. KAPAG NAGING CLINGY SI BABY, HALOS HINDI NA MAKAKILOS - Dahil may tendency na maging clingy ang breastfed babies, halos hindi ka talaga makakagawa ng gawaing-bahay. Minsan nga ultimo pagligo di mo magawa lalo na kapag walang pwedeng humawak kay baby. Minsan din kahit sa pagpunta sa CR kasa-kasama siya.
5. MASYADONG MALAKAS ANG RADAR NG BREASTFED BABIES - Alam na alam nila kapag wala ka sa tabi nila. Maramdaman lang na wala silang katabi, gigising na kaagad kaya di ka na naman makakagawa ng gawaing-bahay.
6. TAMPULAN NG TUKSO AT PANGHUHUSGA ANG BREASTFEEDING MOMS - Dito sa Pilipinas, kapag nakakita ng single na babae na halos kita na ang kaluluwa, okay lang 'yan. Pero kapag nakakita ng breastfeeding moms na nagpapasuso ng anak nila, sigurado makakarinig 'yan ng mga salitang hindi maganda.
7. MADALAS MASABIHAN NG TAMAD ANG BREASTFEEDING MOMS - Kadalasan, ang mga taong kasama sa bahay ang mismong hindi makaintindi sa struggles ng isang nagpapasusong ina. Sila pa 'yung nagsasabi na tatamad tamad ka o puro nalang hilata.
8. KAPAG NAKITA NG IBANG TAO NA HINDI MATABA ANG ANAK MO, HUHUSGAHAN KA - Normal lang sa breastfed babies ang hindi maging tabain. Pero kapag nakita ng ibang tao na hindi mataba ang anak mo, iisipin na nila na nagpapabaya ka. O di kaya naman ay magsusuggest ng kung ano ano para lang mapataba mo ang anak mo.
9. KAPAG AYAW MAGPAKARGA NG ANAK MO SA IBA, ANG PAGPAPASUSO MO ANG SISISIHIN - Dahil may pagka-clingy ang breastfed babies, halos ayaw nilang magpahawak sa iba. Kaya naman, minsan makakarinig ka ng comment na "Ayan kasi, sinanay mo, ayaw na tuloy sa ibang tao".
10. KAPAG NAKITA NG IBA NA SUMUSUSO PA SA'YO ANG ANAK MO KAHIT NA MALAKI NA, KUNG ANU ANO ANG SASABIHIN SA'YO - Kapag nag extended breastfeeding ang isang nanay, madalas ay makakarinig ng "Ang laki na ng anak mo. Pahintuin mo na 'yan sa pagsuso sa'yo", "Wala ng sustansiya 'yang gatas mo", "Hindi lalaki ang anak mo nyan", "Baka naman elementary na yan sumususo pa rin sa'yo".
Ilan 'yan sa challenges na pinagdadaanan ng mga breastfeeding moms. Pero, hindi 'yan hadlang para ihinto namin ang pagpapasuso sa mga anak namin dahil alam namin ang benepisyo nito kalaunan.
Hindi man madali ang pagpapasuso pero kinakaya namin dahil mahal na mahal namin ang mga anak namin. ❤❤❤
Written by:
Van Mallorca
Breastfeeding Mommy Blogger
PS: Sana ay maintindihan ito ng ibang taong ang tanging alam ay manghusga imbes na umintindi. ? Peace out! ✌✌✌
? https://parentsneed.com/advantages-of-breastfeeding/