BREASTFEEDING MOMS KAWAY ?

"HINDI MADALI ANG BREASTFEEDING PERO KINAKAYA" Kapag nagpapasuso ang isang ina, madalas silang maikumpara sa mga nanay na nagbibigay ng formula. Ang madalas sabihin ay "mas mahirap ang formula kasi kailangan pang tumayo at magtimpla ng gatas sa gabi at mahal ang gatas kaya masakit sa bulsa". Unang una, hindi kasing dali ng inaakala ng ilan ang pagpapasuso. Hindi 'yun natatapos sa ilalabas mo lang ang boobs mo tapos tapos na. Paano ba nasabing hindi madali ang magpasuso? 1. UBOS ANG ENERGY MO - Mauubos ang energy mo dahil kada kainin mo e napupunta sa anak mo. Kaya nga madalas magutom ang breastfeeding moms. 2. KAHIT KUMPLETO ANG TULOG MO, PARANG PAGOD NA PAGOD KA PAG GISING MO - Kahit kasi tulog ka e sususo at sususo ang anak mo. Minsan pa nga magdamag siyang sumususo kaya naman paggising mo parang lantang gulay ka at parang walang ganang bumangon. 3. DUMADAAN SA IBA'T IBANG CHALLENGES ANG BREASTFEEDING MOMS - Sa mga unang linggo pagkapanganak, nakakaranas ang breastfeeding moms ng pagsusugat ng nipples lalo na kapag hindi maayos ang pagsuso ng bata. May mga pagkakataon din na bumabara ang daluyan ng gatas at umaabot pa sa point na para siyang lalagnatin at tatrangkasuhin sa sobrang bigat ng boobs. 4. KAPAG NAGING CLINGY SI BABY, HALOS HINDI NA MAKAKILOS - Dahil may tendency na maging clingy ang breastfed babies, halos hindi ka talaga makakagawa ng gawaing-bahay. Minsan nga ultimo pagligo di mo magawa lalo na kapag walang pwedeng humawak kay baby. Minsan din kahit sa pagpunta sa CR kasa-kasama siya. 5. MASYADONG MALAKAS ANG RADAR NG BREASTFED BABIES - Alam na alam nila kapag wala ka sa tabi nila. Maramdaman lang na wala silang katabi, gigising na kaagad kaya di ka na naman makakagawa ng gawaing-bahay. 6. TAMPULAN NG TUKSO AT PANGHUHUSGA ANG BREASTFEEDING MOMS - Dito sa Pilipinas, kapag nakakita ng single na babae na halos kita na ang kaluluwa, okay lang 'yan. Pero kapag nakakita ng breastfeeding moms na nagpapasuso ng anak nila, sigurado makakarinig 'yan ng mga salitang hindi maganda. 7. MADALAS MASABIHAN NG TAMAD ANG BREASTFEEDING MOMS - Kadalasan, ang mga taong kasama sa bahay ang mismong hindi makaintindi sa struggles ng isang nagpapasusong ina. Sila pa 'yung nagsasabi na tatamad tamad ka o puro nalang hilata. 8. KAPAG NAKITA NG IBANG TAO NA HINDI MATABA ANG ANAK MO, HUHUSGAHAN KA - Normal lang sa breastfed babies ang hindi maging tabain. Pero kapag nakita ng ibang tao na hindi mataba ang anak mo, iisipin na nila na nagpapabaya ka. O di kaya naman ay magsusuggest ng kung ano ano para lang mapataba mo ang anak mo. 9. KAPAG AYAW MAGPAKARGA NG ANAK MO SA IBA, ANG PAGPAPASUSO MO ANG SISISIHIN - Dahil may pagka-clingy ang breastfed babies, halos ayaw nilang magpahawak sa iba. Kaya naman, minsan makakarinig ka ng comment na "Ayan kasi, sinanay mo, ayaw na tuloy sa ibang tao". 10. KAPAG NAKITA NG IBA NA SUMUSUSO PA SA'YO ANG ANAK MO KAHIT NA MALAKI NA, KUNG ANU ANO ANG SASABIHIN SA'YO - Kapag nag extended breastfeeding ang isang nanay, madalas ay makakarinig ng "Ang laki na ng anak mo. Pahintuin mo na 'yan sa pagsuso sa'yo", "Wala ng sustansiya 'yang gatas mo", "Hindi lalaki ang anak mo nyan", "Baka naman elementary na yan sumususo pa rin sa'yo". Ilan 'yan sa challenges na pinagdadaanan ng mga breastfeeding moms. Pero, hindi 'yan hadlang para ihinto namin ang pagpapasuso sa mga anak namin dahil alam namin ang benepisyo nito kalaunan. Hindi man madali ang pagpapasuso pero kinakaya namin dahil mahal na mahal namin ang mga anak namin. ❤❤❤ Written by: Van Mallorca Mommy Van PS: Sana ay maintindihan ito ng ibang taong ang tanging alam ay manghusga imbes na umintindi. ? Peace out! ✌✌✌ DISCLAIMER: This post does not intend to shame non-breastfeeding moms. We are all moms and what matters is we are doing what we think is best for our children. ?

BREASTFEEDING MOMS KAWAY ?
24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

This is so true. Walang madali sa pagpapasuso. To the point na yung ligo mong 10mins gagawin mo pang 5mins dahil hndi mo tlaga maiwan si baby. Yung tipong sa ospital palang kapag ifefeed mo na si baby mapapakapit ka sa bakal sa magkabilang gilid ng kama once maglatch si baby dahil sa sakit.. na feeling mo dun ka lang kukuha ng lakas 🤣 tapos ayaw magpalapag ni baby dahil gusto nakalatch lang maghapon magdamag. Yung kahit na nakahiga ka nakasidelying sasabhin ng iba pahilahilata ka lang pero yung ngalay at sakit ng likod mo sobra na pero tiis ganda ka lang para kay lo.. tapos mahilo hilo ka na sa antok at gutom sa pag aalaga kay baby pero di ka pwede himatayin kasi kawawa naman si baby kung mawawalan ka ng malay hahahaha. Naexperience ko din magka milk blisters and clogged duct.. sobrang sakit at nakakalagnat talaga. Yung ang sakit sakit na nga pero yung ways para mawala is mas kaylangan mo pa lalong masaktan hahaha dahil ayun lang talaga ang ways para mawala. Hahaa Pero its all worth it. 14months old na si baby ko. Breastfeed pa din. And tamang kain.. hindi picky eater. Lahat ng gulay kinakain nya. Hindi mahrap itrain sa pagsosolid food dahil praktisado ang panga dahil sa pagdede sa boobies. 😁😁😁 lavarn lang mga inays.. wala tayong hindi kayang gawin para kay baby .. congrats sa atin ❤❤ yes to breast 🥰😁

Magbasa pa

So hard pero laban, kaya pa! Mnsan nawawslan nadin ak ng lakas ng loob na kaya kopa lalo na talagang clingy si baby minsan ayaw sa iba ako sinisisi mahirap din ang mapagdamugan lalo sa mga hugasin na di natatapos kasi si baby kaua dapat daw i-formula kona muna. Una sa lahay pinili k mag breast feed kasi sa panganay ko diko nagawa kabit gustong gusto ko kaa na kukumpara tuloy kasi kahit daw ganob naiiwan ko, dinkasi nila magets yung pag papa breastfeeding lalo at di nila nararanasan. Pagod puyat pero sulit kapag nakikita me nh di sakitin ang bata, sa panganay ko kontinh may bumahing lang o sinisipon sa bahay asahan mo kinabukasan pati narin siya pero si bunso diko nakikita na nahahawa siya agad. Kaya minsan naiisip ko sana mabalik ko yung dati na bf konadin siya.

Magbasa pa
5y ago

nakita ko yan mamsh sa fb then copy ko kakainspired at kakarelate kasi

Hehehe hnd tlga madali...tlgang tiniis ko ang sakit na mg unli latch para lang lumabas gatas ko...nkuha nang nsugat nd dumugo pero sge lang para lumabas gatas ko na d ko ngawa sa panganay ko kya dito sa 2nd baby ko pinilit ko mgkagatas...ang mahal kc ng gatas ngaun ska sa panganay ko nun skitin sya kya ayaw ko na mangyari sa next baby ko...lalo na ngaun maliligo plang ako d pa nga ngsstart iiyak na sya tpos pag nsa mr.ko nd mom ko d nla mpatahan pag lumapit nko nd kukunin ko na sandali titigil agad.. pg kakain na kmi morning,lunch,eve gusto pati sya ngdedede... alam na alam nya pag kakain na kmi...ako lang gusto nya kya pag nkatulog dun lang ngagawa mga bagay na gusto kng gawin...minsan dka pa nga tpos sa pagluluto iiyak na sya

Magbasa pa
5y ago

i feel you mamsh

I'm 4months pregnant with my 1st baby at sa ngayon meron ng lumalabas na colostrum sa dede ko. Pero hindi pa nga nakalabas at nakakadede si baby ko marami na nagsasabi sakin na "wag na daw ako magpa breastfeed dahil malolosyang lang daw ako" 🙄😂 nakakainis lang isipin kasi sa totoo lang sobrang excited na ako magpa breastfeed sa baby ko eh. Feeling ko kasi di makokompleto ang pagiging mommy ko pag di ko maranasan na magpa breastfeed sa baby ko. (wala po ako intensyon na saktan ang damdamin ng mga non-bf mom opinyon ko lang po yan) Hayaan nalang po ang mga taong mapang husga di talaga yan nawawala eh, mapa bf mom ka man o hindi.

Magbasa pa
5y ago

nako mamsh iba parin talaga ang sustansya at immunity ang nabibigay sa baby pag breastfeed 👌

Absolutely true.. Malakas ang pang.amoy Ang sumususu Sa Ina.. Na try ko din ung formula sa panganay Kung anak.. yes tabain nga sya pero iba Ang naging karanasan ko dito sa bunso.. para bang lagi akong pagod dahil siguro sa pagsusu nya..masakit dn pag hnd nakapagsabaw Kasi para bang walang gatas na nakukuha.. Kaya kailangan kahit walang lasang sabaw Hala higupin na lng sa pag.mamadali dahil sa gusto na nyang dumede..

Magbasa pa

Same Here! Actually mix feed sya' gaya nga nang sabi nyo di kase ganon kadali mag pa.suso at di ako ganon ka swerte sa pag produce ng milk.. Kaya mix ko muna sya.. Pero mas lamang padin ang pag papa dede ko sknya ng milk ko kahit hirap na hirap din ako dhil gusto ko din tlga na ma exclusive breastfeed na sya bago sya mag 3months' FTM here i have a 1month and 19days old bby.girl 💞

Magbasa pa
5y ago

Thank u mommy. Ganun na nga po ginagawa ko ngaun. Kahit ang hapdi na ng nipple ko.. Tinitiis ko' thank god po na bawasan na ang pag formula nya cguro po 1beses na lang sa isang araw sya mag formula 2oz-3oz lang.. Hopefully ma EBF ko na sya..

Padede momsh here 😄🙋🏼‍♀️ 9 months na si baby ko ♥️ First time mom din ako kaya struggle is real talaga nung nagsisimula kami ni baby. May times pa na naaabutan ako ng husband ko na umiiyak habang nagpapadede kay baby kasi nasasaktan na ko. Yan na siya ngayon super bungisngis na bata at mahilig talaga sa gatas ni mommy 😁

Magbasa pa
Post reply image
5y ago

Thank you momsh ☺️

VIP Member

100% correct ka talaga momsh. Ako nga may 2nd child na, parang back to zero talaga ako. Breastfeeding morning till madaling araw. Sa BPO company ako nagwowork, pero ngayon na nagpadede ako, parang nasa duty lang ko. Wala nga lang sweldo😊😊 Pero worth it naman pag BF si baby kasi ang daming benefits nito kesa sa formula.

Magbasa pa
VIP Member

ako hanggang ngayin nagpapadede pa rin ako working mom ako full time my toddler is turning two thus May nagdede pa sa akin hihih

truth lahat ng points mo mommy! pero para kay baby, push lang ang breastfeeding.