FirstTimeMom?
ALAS TRES Y MEDIA NA ng madaling araw. Naalala ko bigla yung unang ilang linggo ko bilang isang ganap na Nanay. Yung mga panahong maya’t maya ang gising ni baby. Maya’t maya ang dede. Hele. Iyak dito, na minsan hindi mo na alam gagawin para mapatahan siya. Ang resulta, gising ka rin magdamag. Sabi nila sabayan mo ng tulog ang anak mo. Eh papaano? Sa isa or dalawang oras siyang tulog, hindi mo malaman kung anong posisyon ang kumportable dahil naghihilom palang yung katawan mo dahil sa panganganak. Hindi mo rin alam kung anong mali, bakit masakit magpadede. Tama naman position ni baby. Sinunod mo naman yung mga payo ng mga nanay. Pero iiiyak mo nalang yung sakit, kasi kailangan ng anak mo eh. At dahil tahimik ang paligid, ikaw at ang baby mo lang ang gising, mas ramdam mo yung halo-halong emotions mo. Ang haba ng gabi. Parang hindi natatapos. Pero ikaw, antok na. Pagod na. Pero. Nanay ka na. Kahit naghihilom pa ang katawan mo... Kahit wala ka pang matinong tulog... Kahit hindi ka nakakakain sa oras... Tuloy parin ang pagiging nanay mo. Ayokong sabihing ‘i-enjoy mo lang’ or ‘treasure every moment’ kasi sa totoo lang, may mga araw o gabi na hindi mo na maiisip yan sa pagod mo. Motherhood is tiring but fulfilling. Pero at this point, madalas tiring lang siya. And it’s okay. It’s okay. Para sayo na First-Time-Mom... I know you feel physically and emotionally weak right now. But despite that, you keep going. That makes you hella strong. ?? Things will get better, Mama. Take it one exhausting day at a time. ❤️