True Horror Stories
Hindi lahat ng scary ay tungkol sa multo. What's the scariest moment you've ever experienced since becoming pregnant?


Nong ayaw ako tanggapin ng lying in kong san ako nagpapacheck up kasi 2 cm palang daw. Mula 8am gang 7pm 2cm pa rin parang impossible naman kasi pag uwi ko lakad ako ng lakad sa bahay. Hindi ako makapaniwala kasi feel ko talaga lalabas na anak ko. Same sa pakiramdam ko before sa panganay ko. Kasagsagan non ng covid 19 kaya ang Doctor sa government lying in parang takot pa dumikit sa akin kahit protected na siya sa suot niya. Dahil sa hindi ko na kaya ang sakit, dinala ako ng partner ko kabilang lying in. Buti nalang tinanggap ako kahit walk in. Ung ibang lying in kasi di tumatanggap ng walk in. Nong chineck ng midwife, 6cm na pala ako. Nong binihisan at dinala ako sa delivery after 30mins lumabas na anak ko. Natakot pa partner ko kasi hindi agad umiyak ang baby ko. ilang palo pa bago umiyak si baby. Parang nagkaphobia ako dahil sa lying in, kasi hindi agad ako naasikaso. Unlike sa panganay ko na easy lang kasi dami nag asikaso dahil nakaprivate kami.
Magbasa pa


