92 Replies

VIP Member

ung false comment nung nasa brgy center na midwife.... di daw nia marinig ang heartbeat ng baby ko, when in fact, nararamdaman ko sia lalo na sa gabi malikot sia. nagpunta kasi kmi sa brgy center kc pinuntahan kami sa bahay for the sake daw na may record kmi, need ko daw magpacheck up sa knila para in case pag nanganak ako, kasama sa pwedeng mabigyn ng libreng serbisyo ung baby ko like vaccines and other check ups.

VIP Member

Nung nagka spotting ako, not once but thrice. 1st is nung 8 weeks ako, 2nd 10 weeks and 3rd 12 weeks parang every 2 weeks nagkaka spotting ako kaya pa balik2 rin ako sa ob ko nun and inom ng mga pampakapit at tsaka bed rest for 1&1/2 months. And thanks God ngayon okay na okay na kami ng baby ko (currently 25 weeks) and still praying for tuloy2 na healthy pregnancy and safe delivery ngayong July ☺️🙏

sis ganyan din ing aken mawawala tapos dadating nalang bigla pero pa konti konti lang bedrest din going 4months

VIP Member

Spotting! Until now yan talaga watch out ko sa sobrang paranoid ko nga minsan everytime nag pee ako tinitignan ko undies ko agad to make sure na wala talagang spotting. Dahil sa sobrang selan ko mag buntis and mga bad experience in the past pregnancy ko nakaka trauma talaga. Kaya now sabihin na nilang OA minsan pero mas ok na nag iingat di madali mag wait ng 8yrs bago mag ka baby

yung anxiety ko na baka ectopic ulit, tas pagka.confirm na nasa pwesto na si baby, sumunod yung baka kulang2 si baby, baka may defect or yung magmiscarry at magka stillbirth ako, tapos yung pagkapanganak na baka di ko kayanin or ni baby ang process ng pagpanganak. Thank God ok lng kami noon ngayon naman hinaharap ko ang pagkakasakit ni babg ng uti, tas merong bukol sa nipple nya

nung first time ko magpacheck up pati unang beses icheck kung may heart beat si baby dun ako natatakot baka di makita or marinig hb ni baby, pero after ilang ikot and lagay ng gel sa tyan ko nahanap din at narinig namin hb ni baby nsa kasuluksulukan pla sya sa kaliwa tummy ko nakita. 😄

Yung first prenatal ko and yung second which is to know kung okay hb ni baby. So far, okay na okay naman pero natakot po talaga ako at nandun pa din yung trauma dahil nagkaroon po ako ng miscarriage way back 2019. Sana po this time healthy si baby sa loob hanggang pag labas niya. 🙏

ang mamatayan ng anak na bagong silang.almost 4 years ago peru pag ng pray aq pra sa kanya lge aq umiiyak. Na para bang kahapon lng nangyari ang lahat.subrang nkkatakot n pangyayari na dumating sa buhay ko.n kilan man ay diku malimutan.

Muntik na naman akong makunan , for the 2nd time, ung una ko before ko pa malaman na preggy ako , nalaglag na sya ng kusa .. bago pdn madetect ng pt . ung ngaun 5 mos na nung dinugo ako kaya mas nakakatakot. pero ngaun , ok ok naman na kmi. Thanks God😊

Pag nagdi-discharge ako, check ko agad baka dugo. 2 weeks akong nagbleeding noong unang pagbubuntis ( blighted ovum sya ). Now, nagpi-freaked out ako pagnababasa panty ko. Everyday may fear ako for my baby, na-trauma ako sa una.🙁🙁🙁

Super Mum

Miscarriage. Nung first trimester ko nag spotting ako twice, kaya nung naging ok na ako pinilit kong maging masunuring buntis kasi takot talaga ako baka mapano si baby. Thank God I have a healthy and smart toddler now ❤

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles