diko alam kung okay paba ako. pls sana may pumansin.

Hindi ko na alam gagawin ko. Sobrang sakit sobrang hirap nakakadepress gusto ko nalang mawala kaso iniisip ko yung anak ko? pa advice naman. Mag 1week na kaming puro away. Pero ito lagi na parang diko na sya feel may gusto lang akong marinig sa kanya " sorry ayaw ko ng broken family, ayko ng walang papa yung anak natin" yung ganon. Pero ni minsan diko naranasan yon. Yung feeling na minsan nalang sya uuwi pero yung oras nya nasa ibang bagay hawak cp naglalaro pero sa anak namin. Wala parang wala lang di nya binabantayan, bantayan nya man pero yung kamay nasa cp naglalaro. Diko manlang naranasan sakanya na excited sya sa baby namin kung anong plano nya ganto ganyan diko feel pagiging parent nya sa anak namin. Parang balewala nalang kami yon yung nafefeel? sobrang sakit sobrang hirap. Meron yung isang beses umalis sya nag iinom tapos kami di hinanap nagtago kasi kami pero akala ko hahanapin kami pero hindi mas inuuna pa yung barkada at alak. Tapos diko alam umalis sila may pinuntahan hating gabi naglalakad ako sakanila diko kabisado hinanap ko sya ng hinanap iniwan ko anak namin. Para hanapin sya pero wala sya yon pala nagsasaya kasama kabarkada nya. Nagchat ako sa mga kabarkada nya pero ni isa walang nagreply sakin na pauwiin sya pero wala. Alam niyo mamsh ngayon lang ako natuto mag pataas ng pride dahil din sa ginagawa nya na ako kausapin pag nag aaway kami? kinabukasan pa ng gabi kakausapin? parang natuto lang kahit masakit pinipilit ko parin maging strong kahit hinang hina na ako?

12 Replies

Momsh.. Wag mo iiwan anak mo para lang hanapin asawa mo.. Alamo naman pala na nagiinom lang.. Uuwi din yun.. Mahirap pero try mo iignore yung masama nya gawain.. Tingnan mo yung magaganda nya ginagawa.. It seems kc baguhan palang kau nag sasama..kaya kayo ganyan.. Maliliit n bagay lang yang pinoproblemA mo.. Bawat isa sa inyo my flaws.kaya pagaralan mo pano pakikibagayan. Yang pride na yan wala naman yan maiidulot n mganda sa pag sasama.. Misis kc ang pinaka nag tityaga para magtagal ang pagsasama.. Wag lagi daanin s away nakaka malas yan.. Gawin mong exciting ang inyong pagsasama.. Ipagluto mo sya ng paborito nya.. Magusap kau.. Yung nd n aya makakaisip lumabas.. Kung di mapigil.. Pakainin mo muna sya bago sya lumabas.. Pasasaan ba at magsasawa din yan s mga ginagawa nya.. Aswa ko din mabarkada palainom dati.. Ngaun napag aralan ko n kung pano sya pakisamahan ngaun ok n ok kami..

pasensya na po sis pero sa tingin ko dapat unahin mo ang anak at sarili mo...wag ka mag pakaestress sa ganyang lalake walang kwenta yang ganyan iresponsable nag bubuhay binata pa...nakakagigil kawawa po ang anak nyo pag nag tyaga pa po kyo sa ganyang tao...mag focus na lng po muna kyo sa baby nyo ituon nyo po ang atensyon at panahon nyo sa baby nyo wag sa damuho na yun hayaan nyo sya mag inum ng mag inum hanggang sa bumula bibig nya (pasensya na po nkakainit ulo ehh) pakatatag ka po para sa anak mo at pra sa sarili mo kaya mo po yan...

naku sis mag babago yan pakitaan mo ng kunting tapang mo sis ..mr q ganyan dati halos baliw sa games sa cp ... ok lng nong wala kmeng anak nong nag kaanak kme hnd na pwd ung ugali nyang ganon .... sa galit ko kinuha ko cp nya ... ibinato ko ung cgurado aq na hnd na nya magagamit... kya ngaun pag nasa bahay pag cnabi kong bantayan anak nya bantay sya .... hwag tayo minsan pauunder sa mga mr natin kong hirap sla sa pag hahanap buhay tayu nahihirapan din sa gawaing bahay at pag aalaga ng anak ntin....

VIP Member

Naranasan ko din po yan dati, tiniis ko lahat kc gusto ko ng buong pamilya pero mali na rin pala yung pinaglalaban ko, ilang taon ang tiniis ko na nasayang lang kc di nman sya nagbago, nagsisi ako sana nung pinagbubuntis ko plang yung baby namin sna nakipaghiwalay na ko sa kanya.. Lesson learned yun sakin mamsh.. Oo gusto natin ng buo ang pamilya pero timbangin mo din kung tama pa ba na manatili ka sa kanya.. Baka masayang lang din ang panahon mo sa taong hindi pa handa bumuo ng pamilya..

Tama, pray lang mamsh..

VIP Member

Same lang. Mainom at mabarkada pero may care siya samin ng baby ko kaya pinanghahawakan ko padin siya. Kasi di naman niya kami pinapabayaan although mabarkada may limitation naman :) kausapin mo muna siya bigyan mo ultimatum. Pag di nagbago. Let go. Sa ngayon palang ganyan na siya pano kung nadagdagan pa baby niyo. Kawawa lang ikaw lahat magssuffer padin

Tama.. Balanse lang dapat kung di naman kayo pinababayaan edi hayaan mo rin naman sya mag libang paminsan minsan.. Magbabago din yun

Same story sis.... PEro lagi q nalng I niisip baby q... pagkapanganak q aalis n ulit aq.... mas May pakialam cia s laro Kaysa s aqn... mas masakit pa s aqn May 3 syang anak.. n.a. d aq kaya ng respetuhin kunting salita qlng masama n aq.... Basta nagpapatibay s aqn baby q s sinapupunan q....kaya natin to sis pray lng makakaraos dn tau

VIP Member

Sindakin mo rin minsan, ganyan din minsan lip ko puro Netflix at ml natatakasan Na Sya ng anak nya Di pa alam binasag ko cp nya. Tas pag Inuulit nya binabagsakan ko ng pinto para agad tumayo sa kinatatayuan nya. Ok lang kung Di nya ako aasikasuhin basta yung anak namin Di nya napapabayaan

focus ka na lang kay baby momsh. ewan nga sa mga lalaking ganyan, wala ka naman magagawa kung ayaw nya magbago para sayo at kay baby. isipin mo na lang nauwi pa rin sya sa inyo at nagsusustento. wag ka na paka stress, ilagay mo na ang sarili mo na ganun ang pakikitungo nya sa inyo ni baby.

Thankyou po sa advice. 😞

Sis wag mo iwan anak mo para hanapin asawa mo mas mahalaga ang anak kesa sa asawa.. ipagpray mo nlng wag monstressin sarili mo marerealize dn nya mali nya.. basta ung anak mo palagi mo ingatan at mas mahalin mo sya sa kabila ng pinagdadaanan mo

Minsan bwisit din mga kaibigan na ganyan na ganyan e. Nangungunsinti pa. Hays pag pray mo nalang mamy. Sana matauhan yan. Basta ikaw focus ka sa baby mo. Kaloka mga ganyan na lalaki.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles