Ugaling Demonyo

Hindi ko alam bat ganto ate ko sa anak niya. Mas inuuna facebook kesa sa anak. Mumurahin anak, walang tyagang alagaan anak hindi naman nagtatrabaho hindi rin naman siya nagaaral yun na lang gagawin niya parang labag na labag pa sa loob niya e sarili niyang anak yun. Hindi rin siya pwedeng istorbuhin pag natutulog siya lalo na sa madaling araw pag gusto dumede ng bata sakanya. Marami pa siyang sinasabi sa anak niya tulad ng mamatay na lang sana yung bata. Pag nagaaway silang mag asawa dun mas lalong kawawa ang bata sakanya napupunta ang galit hindi padedein kahit nag iiyak na. Pero pagnagkakasakit naman ang bata iiyak iyak siya sisisihin asawa bat nagkaganon bata. Kaya kaming mga tao sa bahay ang parang mga tanga na hindi alam gagawin sa bata para lang hindi umiyak kakahanap sakanya. Parang demonyo ugali. Naiirita na ako. Pwede naman nya ibigay yung bata sa pamilya ng lalaki kung ayaw niya hindi yung parang unti unti niya rin pinapatay sa sarili nyang kamay. Marami rin naman maaga nabubuntis pero parang siya lang yung ganyang ugali. Sobra na.

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Baka ayaw niya sa baby niya kaya siya ganyan bat pa siya nagpakalabit kung di naman pala niya kaya ung bata. Kausapin niyo ung kapatid niyo dapat sinasabihan niyo siya lalo ung parents niyo dapat kausapin siya kasi mali yon Asahan niyo po na pag laki ng bata may possibility na di maging maganda ugali niya epekto ng gawa ng magulang niya kaya paki gabayan po ung pamangkin niyo kasi kawawa naman siya .

Magbasa pa

Kausapin mo o ninyo ng masinsinan ang kapatid mo.alamin nyo baka naman may problema o baka may depression o iba pang stress related problem. Alam kong nakakainis at nakakabwisit.pero at the end of the day,kayo parin ang pamilya niya.at kayo parin ang mas makakatulong sa kanya.para nalang sa anak din niya.

Magbasa pa

Alam mo kung ako sau .. patauhan mo yang ate mo itago mo ung anak nya ung isng araw itago mo tgnan mo kung hahanapin nya.. tgnan mo kung iiyak xa .. pra marealize nya ganu nya kamahal anak nya.. kming gustong magkaanak nde nabbyayaan ng anak cla na bnbgyan nde marunong mag pahalaga at magmahal

Kunin nyu nlng muna ung bata pag umiiyak, masakit nmb sa dbdb ng bata pag umiiyak lalo kung gutom, since my care ka, bka pde kusa nyu nlng ibottle feed.. kawawa nmn ung bata.. bka gang ngaun ung mother nkkranas ng depression 😞 kawawa ung bata 😭😭😭

baka po nag PPD po sya, sa tingin ko need po nya ng medical attention po bukod po sa nakakaawa na yung anak nya dahil napapabayaan na, baka po hindi lang sya aware sa pinag dadaanan nya. siguro mainam po na kausapin sya.

lagi na lang PPD?? kalokohan na yan... abnormal lang talaga yung iba. siraulong animal talaga kahit wala naman talaga PPD. yung iba nga wala pa anak ganyan na ugali e masasabi mo ba may PPD yon? literal na demonyo kamo

VIP Member

Nakakaranas po yan ng PPD. Pwede niyo po ipakonsulta yan sa pinag anakan niya or lagi niyo lang po kakausapin. Kasi andun pa po yung sakit na pinagdaanan nila nung nanganak sila.

VIP Member

Baka may mental health condition sya te. May nakita ako sa fb na mommy nagpakamatay dahil sa ganyan condition after manganak. I forgot the term pero meron talagang ganon

5y ago

Yes yun nga. Post partum depression. Thanks for reminding me

Psabi sa ate mong Bobo pag sa Kalandian at pasarapan magaling siya pag sa responsibilidad niya maging ina tamad siya. Literal siyang dapat tawagin na "PUTANG INA"

Parang may kunting saltik na po ate mo, hindi normal ang ganyang ugali. Nakakaawa yung bata.