Hindi ako naniniwala sa mga aswang kaya binabalewala ko lang yung mga payo ng matatanda samin about sa pag iwas sa tiktik.
2 months ago, (8 months na kong buntis sa bunso ko) we were having fun pa sa bahay kasi namanhikan yung family ng boyfriend ng pinsan kong 2 months preggy din, nag movie marathon kaming magpipinsan, food trip and all. sobrang carefree ko kahit na malaki na tyan ko that time kasi okay naman talaga ako, healthy kami ni baby and there was no complications sa pagbubuntis ko, and boy, I was really having fun! kinagabihan di ako makatulog, kasama ko pinsan kong babae sa pagpupuyat, nasa sala kami that time and bukas yung bintana. around 3-4am may naririnig akong tunog like sa sound na ginagawa ng butiki, I never once thought na baka aswang yun kasi di nga ako naniniwala, it was kinda loud at first tas pahina ng pahina. I ignored it and tried to sleep dahil pagod na pagod na ko, tas makakatulog na sana ako kaya lang naudlot kase nagising yung boyfriend ng pinsan ko tas tinatanong niya kung ano yung tinitignan niya sa may bintana, medyo sleepy na ko nun pero narinig ko na may nakita daw yung pinsan kong sumisilip sa bintana na sobrang tangos ang ilong na nakatingin sakin, tinititigan niya talaga kase hindi niya masyadong maaninag yung mukha, (magkakakilala lang kasi kami sa loob ng village kaya and strict yung guard sa pagpapapasok ng mga tao sa loob and siguro she is wondering kung sino yung sisilip at that ungodly hour, bigla na lang nawala nung nagtanong na nga yung boyfriend niya kung ano yung tinitignan niya, minutes pass and nag start na kong umihi ng umihi and it came to the point na parang gusto ko na lang mag stay sa cr dahil sobrang frequent na niya, then maya maya, nagtaka na ko sa last ihi ko kasi sobrang clear na, as in para ng tubig, e hindi naman ako mahilig uminom ng tubig. habang nakatitig ako sa bowl, biglang may bumagsak ng blob of blood, it's kinda weird kasi wala akong nararamdamang masakit sakin kaya litong lito ako, di ko naisip na manganganak na ko, sobrang bilis ng pangyayari, na bigla na lang nag gush ng tuloy tuloy yung blood from my pp kaya ginising ko na partner ko dahil baka nakukunan na ko, naiiyak na ko kasi naexperience ko ng makunan sa first baby namin nag hysterical na ko kaya nagising na din yaya namin and nung nakita na nga niya, ginising na niya tita ko para masugod na ko sa hospital, gulong gulo ako kasi malayo pa ang due date ko, supposedly, Oct. 18 pa, e Sept. 16 pa lang nun, kulang pa ko ng isang buwan, masaya naman akong nagbuntis, Wala akong stress at wala rin namang masakit sakin. dahil nga palakas ng palakas yung pagdudugo ko, sinuotan na ko ng adult diaper from my lola bago ako isakay sa kotse, sa sobrang lakas ng agos, napuno ko agad yung diaper wala pang 3 minutes. habang nasa byahe, nahimatay na ko. nagising ako nung binuhay na ko ng partner ko papasok sa lying in. pinahiga ako agad, kinapa ko yung tyan ko the moment na nasa kama na ako and I was so damn scared kasi ang lambot ng ng tummy ko tas ang liit na, para na kong nanganak, tas hinanap ng nurse yung heartbeat ng baby ko and umiyak na talaga ako nung wala kaming narinig na heart beat. they tried to calm me down kasi madami ng nawawalang dugo sakin and at they were afraid dahil baka maubusan na ko ng dugo kung di pa ko titigil sa kakaiyak. kinocomfort na ko ng tita ko saying na wag akong mag alala, na wag akong susuko kasi may anak pa kong naghihintay sa bahay and she started to pray. nilagyan na ko ng oxygen dahil di ako maawat sa kakaiyak and while I was crying, I kept on praying na sana buhay ang baby ko. for the 4th try, narinig na namin yung heartbeat ng baby ko and nirefer nila kami sa sister hospital nila and habang nasa byahe, nahimatay na naman ako. ang next na gising ko is nung nireready na ko for emergency cs (which is ayaw ko talaga na pinagusapan na namin ng partner ko na if ever man, patayin na lang ako. hahaha I love to wear bikinis kase, syempre nasa pagiinarte part pa ?) I was so scared sa magiging procedure kaya nahimatay ako ulet. pagkagising ko, nasa private room na ko and I looked for my son kagad, nireassure naman ako ng doctor na okay na si baby at need lang ilagay sa incubator kase premature at hindi pa develop masyado yung lungs ni baby, tinanong ko agad kung bakit napaaga yung panganganak ko and di rin nila mapaliwanag kung bakit kasi wala rin silang makitang other complication aside from naka block yung placenta sa may pp ko kaya need ng hiwain to save us both. moving forward, okay naman na kami ngayon ni baby and kaya ko shinare kasi di pa rin ako nakaka move on. kahapon ko lang kase nalaman yung buong story from my cousin mismo dahil nagtanong ako kung para san yung naka sabit sa tyan niya at bat puro asin yun mga bintana. Apparently, natuto na sila from the said experience. Nung una, kinilabutan ako pero di rin nag tagal, napalitan na agad ng galit kasi pano kung di ako natakbo agad sa hospital, pano kung wala kaming kotse at di kami nakapag hazard (sobrang traffic nung time na yun sa ortigas kaya lumipat na ng lane yung tita ko. ilang beses kaming naharang ng traffic enforcers, ilang beses nasigawan tita ko na kesyo di marunong mag drive at bilib din ako sa mga riders natin, they lead the way, pinatabi nila yung mga kotse sa harap namin. So thankful pa din talaga, Nakakagalit lang dahil muntik ng mawala ang baby ko at muntik na din akong mamatay, totoo pala ang mga tiktik at purgatory (been there, all blackness lang tas maririnig mo yung mga taong nasa paligid mo na parang ang layo layo nila) Sa mga mommies na expecting, please makinig tayo sa matatanda, they know better. walang masama kung susundin natin sila. Always pray bago matulog especially at night.
Shenn Echeveria