5 months pregnant!
hihingi po ako ng adviced kas8 broken hearted po ako parati akong umiiyak kasi na huli ko po yung ka live in partner ko nga nambabae at ngayon na saktan po niya ako marami po akong pasa kaya naka disesyon po ako mag pa medical at report ko sya sa kanilang kataas taasan ( pulis po sya). Pero humingi sya ng sorry pinatawad ko naman kaya hindi ko na tuloy yung plano ko pag sampa ng kaso sa kanya. but today nakita ko na naman na nag post yung ex niya na nag sama sila sa kang ex , may anak sila isa kaya na stress nanaman ako. na feel ko may kirot kirot yung tiyan ko, nalilito talaga ako gusto ko nanaman isampa yung kaso sa kanya ulit at ipagpa tuloy ko po yung reklamo ko sa kanya. nalilito po ako kung anong gagawin ko.
hiwalayan mo na sis kawawa kayo ng baby mo, yung pananakit nya sayo mauulit at mauulit yan kahit ipangako pa nya sayo na di na nya uulitin lalo na pambababae nya. tapos na ko sa ganyan halos isang taon at kalahati rin yung tiniis ko kahit buntis ako noon binubugbog ako, paulit ulit kong pinatawad kase humihingi nga ng sorry at mahal ko rin noon halos malaimpyerno buhay ko kahit kapapanganak ko lang sinasaktan pa rin ako at nakuha pang mambabae haha pero nung nakipaghiwalay ako sa kanya nakakaginhawa sobra lalo na sa baby ko noon, ngayon 7 years na 8 years old na panganay ko 5months din akong buntis ngayon sa pangalawa kong lip na napakabait halos di ako binibigyan ng stress paggising ko nakahanda na yung pagkain halos wala na rin akong ginagawa na gawaing bahay sya na lahat ❤️
Magbasa pahiwlayan muh na poh mamsh.. at ituloy ang kaso.. dahil obligado rn nman na lhat ng batas ang mga lalake ksal man o hnd na mgbigay ng support sa baby nyuh.. wlang mwwla sa inyuh ng baby nyuh.. ibuhos muh na lng lhat ng love sa baby nyuh at sarli muh mamsh.. dahil pg nagwa nyah yan sau ng ilang bses.. uult at uult poh mangyyari yan.. fighting for u & to ur soon baby poh!
Magbasa pahay nako sis ituloy mo ang kaso.. nilambing ka lng kagat ka nman agad.. wag ka maawa at mag padala sa lambing nya. dpat jan turuan ng leksyon.. pag pinabayaan mo yang kalokohan nya uutuin ka lng nyan.. lalo pulis pa nman sya nako takutin mo.. wag papa api sis laban tau khit babae tau... tska relax ka lng bka mapanu c baby...
Magbasa paituloy mo po ang kaso, iwanan mo na sya mommy.. magiging cycle lang kasi yan. ndi mo deserve ang ma experience yan. kapag binubugbog ka na iba na yun. opinion ko lng to sis. ikaw padin ang masusunod. mahirap tlga kasi buntis ka. pero mas ok kung bibigyan mo ng respeto sarili mo. ipakita mo na ndi ka dapat tinatrato ng ganyan.
Magbasa paPiliin nyo po anak nyo, mauulit at mauulit yan. Hindi maganda sa buntis ang mastress. Dyan ako nag kaproblem sa stress muntik na ako ma preterm labor because of stress sa LIP and work. Kaya mo yan momsh. Mahirap sitwasyon mo lalo na very emotional talaga mga buntis 😢isipin mo nalang para kay baby.
Magbasa pawag po magpadala sa sorry sorry lang. you deserve better. kung lagi mo papatawdin uulitin ng uulitin ang pananakit sayo sooner or later mas grabe pa ang gagawin nyan sayo. walk away! kaya mo yan, magfocus ka nalang sa baby mo. stay safw
Ituloy mo na ang kaso, mommy. You are being abused. Kung hindi nya mapapanagutan ang ginawa nya, kayo ni baby ang magsusuffer. Kung ganyan ang behavior nya, who knows kung sasaktan din nya anak mo? Save yourself. Save your baby.
tuloy mo yung pagsampa ng kaso para maleksyunan siya sis. di ka niya nirerespeto bilang babae at partner. wag mo na siyang patawarin pa. isipin mo yung sarili mo at si baby. di niyo deserve yung ganun na pagtrato.
sa kalagayan mo mommy, pls do the right thing, nalilito lang kasi tayo kung puso o utak gagamitin natin pero kung nagsusuffer kana isipin mo lalo yung bata by this time siya ang magiging lakas ng loob mo para masunod mo yung utak
It only shows na he doesn’t care about you and your pregnancy kapag may physical na sakitan nang nangyari. Lapit ka sa Women’s group sa community nyo para mas maalagan at matulungan ka. Isipin mo si baby and stay strong.